Sa kasong isinampan ng 2 kasambahay Maricel Soriano, tinatakot lang para perahan?

NAKAKABALIW ANG NASAGAP naming impormasyon na last season na ng isang sikat na reality competition sa isang major TV network, dahil ayaw na silang i-renew ng international company na may hawak ng nasabing bantog na reality show sa buong mundo.

Ang dahilan daw ay may “nadiskubre” silang mga bagay-bagay na hindi sang-ayon o tugma sa rules na dapat pairalin sa nasabing show, na rito sa Pilipinas lang nangyari. Ito ay may kinalaman sa usaping kadatungan kaya tambling kung true ito, at malalaman mong ito pala ang dahilan kung kaya’t na-delay ang pagsasa-ere ng nasabing show.

Heto na, dahil ayaw na silang i-renew, may counter offer umano ang isa pang major network sa international production ng show na sila na lang ang kunin sa pagtatapos ng kontrata ng naunang network sa ‘Pinas.

May nagsasabi namang sinisiraan lang ng Network 2 ang Network 1. Malalaman natin ang katotohanan sa mga susunod na taon kapag sa the same network mapapanood ang nasabing show. ‘Yun na!

 

SA WAKAS AY ipinagtanggol na ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang kanyang sarili laban sa isyung kinasasangkutan niya laban sa dalawang kasambahay niya.

Sa report ni Mario Dumaual sa TV Patrol noong Huwebes, sa counter-affidavit ni Maricel ay sinabi nitong wala siyang kasalanan. Aniya pa, ang kanyang karapatang-pantao ay nalabag pa raw dahil sa hindi fair na pagtitimbang ng kaso.  Aniya, isinampa raw  ito para takutin at perahan siya.

Sey ni Marya, wala aniyang medical certificate na magpapatunay na sinipa niya ang isa sa mga katulong.

Inamin ng aktres ang pagmumura pero normal lang daw ito sa isang taong nagagalit, lalo’t nakita niya umano ang isa sa mga ito na ginagalaw ang kanyang wallet.

Itinanggi ng aktres na kinulong niya ang dalawang katulong dahil hindi nasususian ang kanilang kuwarto, lalo na ang bintang na nagbanta siyang tutukan ng baril ang mga ito dahil wala siyang baril sa bahay.

Kung saan hahantong ang legal na usaping ito ay hintayin na lamang natin ang developments.

 

For feedback, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Sa kasong isinampan ng 2 kasambahay Maricel Soriano, tinatakot lang para perahan?

  1. hay nko wla palang batayan ang mga paratang,kung ako pa katulong na ito makipag ayos nlang pra dina lumala ang gulo at saka bilang isang kasambahay kilangan mong ilagay ang sarili mo sa pwestong na babagay lang din at dapat mong galawan. wag mag akusa if wlang proof dahil malagay kalang sa alanganin.proof ang baSEHAN SA KORTE MGA IHA.

  2. wala naman palang medical certificate ang katulong, then bakit aakusahan ng physical abuse si maricel? anong evidence nung katulong, si tulfo? my foot! hinde tinatanggap sa korte ang puro lang salita. maricel soriano has the reason to get angry because she saw the maid rammaging her personal property….pati yung drug user daw si maricel. nakow, patay kang katulong ka. hinde pupuede yung tsinismis lang sa iyo na drug user si ganito or si ganon or nabasa mo sa tabloid blind item….hahaha ang blind item ay ginagawa para mas magkaroon ng interest ang mambabasa na bilhin ang tabloid pero hinde ibig sabihin na totoo ang blind item..mostly exaggerated yan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.