Sa kaso ni CGMA, masusunod ang publiko

TITIMBANGIN DIN NG gobyerno ang public perception sa usapin ng paglalagay sa house arrest kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kailangang isaalang-alang din ng pamahalaan ang magiging reaksyon ng taumbayan sakaling pumayag ang gobyerno na isailalim sa house arrest ang dating pangulo sa halip na sa isang ordinaryong government facilities, ayon kay Department of Justice Sec. Leila de Lima.

Gayunman, aminado si De Lima na nasa korte pa rin ang diskresyon hinggil sa pagresolba sa nasabing isyu.

“The public might (question) if such an arrangement, like hospital or house arrest, is automatic if the accused is a former President.. We must balance the decision with the perception of the public,” ani ng kalihim.

Sa ngayon, hati ang mga mambabatas sa usapin ng paglalagay sa kulungan sa dating Pangulo.

Una ng nagbabala sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Gringo Honasan sa sasapiting international backlash sakaling ipahiya ng pamahalaan si CGMA.

Pero sa panig ng ilang militanteng kongresista, iginiit ng mga ito na mas nakakahiya sa mata ng international community kapag binalewala ng gobyerno ang batas para lamang sa interest ng isang tao.

Samantala, hindi naman umano kokontrahin ng Commission on Elections (Comelec) na lagyan ng mga “amenities” ang magiging kulungan ni dating Pangulong Gloria Arroyo sakaling magdesisyon ang korte na ilagay siya sa isang government facility.

Ayon naman kay Comelec chairman Sixto Brillantes Jr., bilang isang dating pangulo ng bansa, naayon lamang umano na magawaran ito ng dignidad sa kabila ng kinakaharap na kaso.

Sa kabila nito, pinanindigan ni Brillantes na dapat manatili ang dating Pangulo sa isang regular detention facility kagaya ng isang karaniwang detainees.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.