Sa kaso ng Pinay na bibitayin sa China
Binay, ‘Di Pinangungunahan si PNoy

NILINAW NI Vice-President Jejomar Binay na hindi niya pinangu-ngunahan si Pangulong Noynoy Aquino III sa personal na pagtutok sa kaso ng Pinay drug mule na nahaharap sa parusang bitay sa Tsina.

Sinabi ng bise-presidente na emergency case ang naturang isyu kaya kailangan nilang agad na kumilos bago pa mahuli ang anumang aksyon.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng opisyal, kumpirmado ang ulat ng pagbitay at isasagawa ito sa susunod na linggo.

Kasalukuyang wala pa umanong pinal na plano kung personal o sa pamamagitan lamang ng sulat ang kanilang gagawing apela sa Chinese government.

Samantala, para kay Binay, ang importante umano ngayon ay mai-salba ang buhay ng ating kababayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.