Sa kapabayaan ng Customs officials 13 Katao, Na-Trap sa Elevator

DAHIL SA KAPABAYAAN ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na-trap o nakulong nang isa’t kalahating oras sa elevator ang 13 katao kahapon ng hapon sa Port of Manila nang biglang huminto ito sa alanganin bahagi ng elevator dahil sa sobrang karga nito, ayon kay Special Agent II Mauro Morado .

Ayon kay Morada, namumutla ang lahat ng sakay ng elevator nang mabuksan nila katulong ang iba pang mga Customs police na sumaklolo sa pangyayari, at aniya, maaaring hindi nakayanan ng elevator ang lulan nito.

Kasama sa mga na-trap isang Evelyn Castillo, 7-buwang buntis, at iba pang mga broker, kung saan umabot ng isang oras din bago sila nakalabas sa elevator dahil sa masikip ang daanan palabas.

Sinabi pa ni Morada na maaaring mayroon nagbuwis ng buhay sa 13 kataong na-trap kung natagalan pa bago dumating ang rescue na pinangunahan niya mismo dahil sa init sa loob ng elevator.

Napilitan silang sirain ang pinto ng elevator sapagkat wala na silang maisip na ibang paraan upang makalabas ang mga biktima  at maiwasan ang maaaring sapitin ng mga nasa loob.

Ang naturang elevator ay lumang modelo at ayon sa ilang insider, dapat na itong baguhin at palitan ng mas malaki, ngunit walang pakialam ang mga opisyales ng naturang ahensiya dahil hindi umano pagkakakitaan.

Kaugnay nito hinihiling ng mga port users at mga brokers kay Commissioner Angelito Alvarez na pagtuunan ng pansin ang nasabing elevator bago maging huli ang lahat.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.