Sa kampanya vs. human rights violation
Gobyernong Aquino, Bagsak ang Marka

BAGSAK ANG markang ibinigay ng mga militanteng kongresista sa Administrasyong Aquino kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa human rights violation. Sa harap ito ng pagdiriwang ng International Human Rights Day.

Sa isang press conference, sinabi ni Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares na mahina ang liderato ng Pangulong Noynoy Aquino na mapanagot ang mga nasa likod ng extra-judicial killing at iba’t ibang uri ng human rights violations.

Uhaw pa rin umano sa hustiya ang mga pamilya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Ayon naman kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, walang pagbabago sa pamununo ni P-Noy, kung saan mapanganib pa rin ang Pilipinas para sa kababaihan at kabataan.

Bigo pa rin umano ang gobyerno na masiguro ang karapatan ng mga mamamayan para sa maayos na edukasyon, pagkain, tirahan at pamumuhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.