Sa kaguluhan sa Syria Walang Nadamay na Pinoy – DFA

TINIYAK NG Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy casualties sa pinakahuling kaguluhan sa bansang Syria kung saan umabot sa mahigit 200 katao na ang nasawi simula noong nakaraang gabi.

Ito ang naging assessment ng DFA hinggil sa 11-buwan nang karahasan sa naturang bansa.

Una nang kinumpirma ng grupong Syrian Observatory for Human Rights at Local Coordination Committees na pinaulanan ng mortar shells ng security forces ni Syrian President Bashar Assad ang lungsod ng Homs.

Nabatid na sa area lang ng Khaldiyeh, 140 umano ang napatay sa pagsisikap ng mga sundalo ni Assad na makontrol ang nabanggit na lugar.

Ayon sa pahayag ni DFA spokesman Raul Hernandez na umaabot na sa mahigit 700 mula sa 10,000 mga OFWs ang naiuwi sa ating bansa mula nang inilagay sa alert level 4 ang Syria dahil sa tumitinding kaguluhan doon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.