SA KABILA NG SAKIT AT PANG-AAPI SA KANYA: Kris Aquino, mas raratsada sa 2019!

Kris Aquino

HAPPY ang dalawang bagets ni Kris Aquino sa pagdating ng mom nila noong Thursday (January 3) from Japan kung saan naiwan si Kris at nauna sina Kuya Josh at Bimby dahil biglaan na naman umatake ang sakit ng Queen of All Media na sana ay sabay-sabay sila bumalik ng bansa last New Year’s Eve as scheduled.  

Nauna umuwi ang dalawa na humabol sa paghihiwalay ng 2018 at sa pagpasok ng bagong taon 2019.

Pero kaloka ang ilang araw na extended stay ng Queen of All Media sa vacay nila sa Japan minus her two kids dahil naiintriga naman ito lalo pa’t kasama niya sa paguwi pagbalik ng Pinas ang natsi-tsismis niyang lawyer na si Atty. Gideon Pena.

Tanong ng marami, sila na ba ni Atorni? If ever na sila man ngayong 2019, karapatan yan ni Tetay. Kung si Atorni ang nagpapapasaya sa kanya, karapatan nya yun.

The day after siya dumating (Friday, January 4) ay may endorsement shoot si Tetay for an online shopping app at sa pagbalik niya ay sinuportahan naman niya ang mga kaibigang na may MMFF 2018 entries by a block screening na siya ang sponsor at una na in the list ay ang One Great Love ni Kim Chiu na love na love ni Tetay.

Block screenings supported by Kris Aquino

She also sponsored a screening for producer Harlene Bautista’s Rainbow Sunset na ang tawag niya ay “naudlot” na sister-in-law na sinulat niya sa kanyang IG account.

Pero right after ng screening ng pelikula ni Kim at ng pelikula Rainbow Sunset ay umuwi kaagad si Tetay dahil pagkagaling niya ng kanyng endorsement shoot that day ay may namantal sa mukha niya na tila simula na naman ang pagatake ng allergy niya.

Ang pelikula ni Anne Curtis na Aurora ay isa sa mga panonoorin din ni Kristeta lalo pa’t ang mga horror film genre ay isa sa mga paborito niya.

Kahapon, Sunday, January 6 ay umalis na naman si Kris for Singapore for her medical check-up and evaluation kasama ang bunso na si Bimby.

Two weeks si Tetay sa Singapore kung saan she will undergo more medical test para sa sakit niya na kapag umaatake ay nagkakaroon siya ng mga pantal at mga parang kamot na ang skin niya ay nagiging black and blue bukod pa sa hirap niya ng paghinga kapag inaatake.

Kris Aquino and Bimby

May kumakalat na online tsika na magbabalik television si Kris for an undisclosed network lalo pa’t madaming clamor na magbalik telebisyon siya kahit namamayagpag ang Queen of All Media sa kanyang online shows like sa Iflix at sa iba’t ibang mga media platforms.

In short, for Kris, no need for a network to be visible ang presence niya sa public. The television networks need her. Let’s admit it na with or without a network to air her shows on commercial television, pak na pak ang Kristeta na patunay lang ang left and right advertising placements sa mga online shows niya.

Reyted K
By RK Villacorta

RK Villacorta

About the Author

has written 2755 stories on this site.

loading...

One thought on “SA KABILA NG SAKIT AT PANG-AAPI SA KANYA: Kris Aquino, mas raratsada sa 2019!

  1. Anong pag-aapi ang pinagsasabi mo? hindi mo ba alam ang pa-boost scandal na lantaran na sa social media. Si Kris Aquino mismo ang nagbibigay ng pondo sa mga anti-administration bloggers para siraan ang administrasyon at pro-duterte bloggers. At may mga pruweba ng linabas ni Falcis kaya hindi mo masasabing fake news. Inamin ni rin finally ni Kris na siya talaga ang nagbibigay ng funds para sa pa-boost na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.