SA KABILA NG PAMBABASTOS NG INA: Janella Salvador, mabait pa rin na anak

Janella Salvador

HINDI PA RIN pala tapos ang hidwaan sa pagitan ng mag-inang Janella Salvador at Jenine Desiderio.

Noong nakaraang Sunday, Mother’s Day ay hindi pala binati ng  young actress ang ina habang ang nakakabatang kapatid ng dalaga ay nag-post pa ng video greet sa kanilang ina.

Kung maalala pa, noong 2017 pa nagsimula ang gusot ng mag-ina na sa ganang akin, hindi sa nakikialam ak, sa klase ng disiplina ni Jenine sa anak niya at ang ginagawa nitong pamamahiya sa anak sa publiko ay wala sa lugar kahit ipagtanong pa ninyo sa publiko lalo na sa mga ina na nag-aaruga ng tunay sa kanilang mga anak.

Malamang malalim ang tampo ni Janella sa ina reason kung bakit matindi ang hidwaan nila at may resistance mula sa dalaga.

Ilang beses ko na rin nababasa sa social media kung paano ilagay ni Jenine si Janella sa kahihiyan gayong ang anak niya ay dalaga na at hindi na bata.

Mga isyus na dapat pagusapan nila privately pero ang taktika ni Jenine ay ibinubulgar pa niya ito in public na maiintidihan mo ang reaksyon ng anak na napapahiya siya. Wala sa lugar para sa akin. Parang nilublob mo na sa putikan ay tinadyakan mo pa. 

Kung tama ang pagkakaalala namin, tungkol sa pakikipagmabutihan ni Janella kay Elmo Magalona (ka-loveteam ng dalaga) ang dahilan at di pagsang-ayon ng ina ang ugat ng lahat.

Kung ako sa ina, dapat mas malawak ang pagintindi niya sa anak. Para sa akin, kung ako ipapahiyain mo in public, magre-react ako at lalong lalayo ang loob ko at tiwala sa taong mamahiya sa akin.

 

Jameson Blake and Janella Salvador

Mabuti na lang, behave si Janella kahit until now ay inilalagay siya ng ina niya sa alanganin at kahihiyahan. Being a good daughter, wala ka maririnig sa dalaga.

Hindi na menor de edad si Janella. Dalaga na ito at unfair para sa amin ang ginagawa ni Jenine sa anak niya.

I just hope ma-realize ni Jenine na may puntong mali sa ginagawa niya.

One more thing, ang mga kabataan ngayon ay malaya na. Hindi na naka-kahon tulad ng dati. May sariling pagiisip at opinyon (na ugaling gusto ko sa kanila). Kung tama naman at may punto ay oks lang. Sasang-ayon ako.

Para pelikula ni Jason Paul Laxamana na “So Connected” mula sa Regal Entertainment about “soulmates” ay mas maiintindihan ng mga millennials tulad nina Janella at ng kapareha niya na si Jameson Blake na palabas na sa May 23. Pak!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “SA KABILA NG PAMBABASTOS NG INA: Janella Salvador, mabait pa rin na anak

  1. Bayarang writer pinapabango ang imahe ni ateng. eh alam naman ng lahat na suwail na anak itong si Janella.

Leave a Reply

Your email address will not be published.