Sa kabila ng pag-alma ng OFWs Ilang embahada ng ‘Pinas, ipinasara

KINUMPIRMA NG Department of Foreign Affairs (DFA) na tinatayang 10 embahada at konsulada ng Pilipinas ang isasara para makatipid ang pamahalaan.

Kabilang dito ang mga embahada sa Saipan, Romania, Stockholm sa Sweden, Frankfurt sa Germany, Barcelona sa Spain at Palau.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-alma ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa hakbang na ito ng administrasyon ni Pa-ngulong Noynoy Aquino. Hirap na nga raw sila kahit may konsulada o embahada, kaya tiyak na magi-ging mas mahirap pa ang kanilang kalagayan sa pagsasara ng mga ito.

Todo-depensa naman ang Palasyo sa pagsasara ng mga nabanggit na embahada at konsulada sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, magtatalaga ang DFA ng mga honorary consuls sa mga apektadong bansa para takbuhan ng mga OFWs.

Ida-divert din umano ang pondong matitipid sa mas malalaking embahada, kung saan nagtatrabaho ang mas maraming OFWs, dagdag pa ni Valte.

Sa kabila umano nito, makakaasa ang mga OFWs na hindi sila pababayaan ng gobyerno sa kanilang mga kailangan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.