Sa kabila ng mga kontrobersiya, mabeauty pa rin si La Greta

Wala pa ring kupas ang galing ng isang La Greta na kanyang pinatunayan sa muli niyang pagganap sa

Maalaala Mo Kaya? Matapos ang kinasangkutang kontrobersiya kamakailan, ano na nga ba ang nangyari sa ating bida na lagi na lang naiintriga?

Ipinanganak si Gretchen Barretto noong March 17, 1969. Itinuturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, ang chika, bata pa lang daw si La Greta, eh, type na niya talagang mag-artista. Kaya nang madiskubre siya ni Mother Lily ng Regal Films, ‘ayun, feel na feel niya raw ang mga workshops at pictorials, at ang pagpapa-autograph sa kanya ng mga fans.

Siya ang binansagang ST Queen ng kanyang henerasyon. Bukod sa taglay na alindok at tila nililok na mukha, napasabak siya sa aktingan sa mga pelikulang tulad ng Ang Bukas ay Akin, Lumayo ka Man sa Akin, Paminsan-Minsan, at marami pang iba.

Bago ang kontrobersiyal na pagkaka-link kay Dody Puno at John Estrada, naging karelasyon din niya ang sikat na basketball player noon na si Joey Loyzaga. Pagkatapos, iniwan niya ang showbiz at bumuo ng pamilya kasama ang partner na si Tony Boy Cojuangco. Biniyayaan sila ng isang anak – si Dominique.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung saan talaga patungo ang kanyang lovelife. Wala ring katiyakan kung tatantanan na siya ng mga kontrobersiya. Pero kung anuman ang idulot ng kapalaran kay La Greta, for sure, mabeauty pa rin siya.

by Mayin de los Santos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.