Sa kabila ng mga intriga’t pagsubok Relasyong John Lloyd-Shaina, nanatiling matatag

TIYAK NA MARAMI pa rin ang nakaaalala sa katagang binitiwan noon ni John Lloyd Cruz na “Yes, it’s us!” when he finally admitted his relationship with Shaina Magdayao on The Buzz. Sari-saring reaksyon ang lumutang – may mga kinilig, nagulat, natuwa at hindi natuwa sa kanyang pag-amin. Unang-una na siyempreng natuwa si Shaina dahil hindi na nila kailangan pang magtago sa publiko that they were going steady. Their friendship blossomed into love at a time when Shaina was going through tough times.

Last year was not smooth sailing for both of them with intrigues being hurled from nowhere and elsewhere. Kasama na rito ang hospital scandal na kanilang kinasangkutan – isang malisyosong intriga na walang basehan at gawa-gawa lang ng mga taong malilikot ang imahinasyon. And in the end, it was proven to be a big lie.

“Para sa akin, sobrang daming pinagdaanan ang 2010. Ang daming mga obstacles na tinatawag natin sa industriya. Nagpapasalamat ako na natapos nang maganda ang 2010. Na-outweigh ng maganda iyong hindi maganda. It’s been an exciting 14 years in the business. Napakahirap to stay here,” sabi ni Lloydie.

Pero mukhang sinusubukan talaga ang tatag ng kanilang pagsasama ni Shaina because there was a fearless forecast that they will separate this year because of a third party. Ayon sa prediksyon ng isang manghuhula na ipinalabas sa The Buzz, “Iyong nakikita ko posible silang maghiwalay. Isang babae ang nakikita kong magiging dahilan ng paghihiwalay. Older ito kay John Lloyd. Maaaring maagaw iyong pagmamahal ni John Lloyd kay Shaina.”

Sa kabila ng prediksyong ito, nananatili pa ring matibay ang relasyon nilang dalawa. Kahit iniintriga ay walang nakikitang alingasngas sa pagitan nila. Sa katunayan, sinalubong pa nina Lloydie at Shaina nang magkasama ang Holiday Season. Ayon kay Lloydie, “First Christmas. Medyo mahirap iyong paghahati ng oras pero masaya. Nahati naman nang maayos. Every year nagpa-fireworks kami. After nu’n nag-dinner lang kami ng family ko tapos sumaglit ako kina Shaina. Tapos umuwi na rin kami.”

Parang kailan lang, pero nakatakda nang ipagdiwang nina Lloydie at Shaina ang kanilang first anniversary sa April. Pero sinabi ni Lloydie na wala pa silang plano para rito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.