Sa kabila ng kaliwa’t kanang birada
Andi Eigenmann, nananatiling matatag

ANDI EIGENMANN is one of the most exciting young stars today. After all the challenges she’s been through, she remains in fighting form as an actor and as a young woman. Andi belongs to a famous showbiz clan na hindi matatawaran ang husay pagdating sa pag-arte.

Isang bukas na libro ang buhay ni Andi sa publiko. Pero sa kabila ng kaliwa’t kanang birada ng mga intriga sa kanya ay nananatili pa rin siyang matatag. Andi is a fighter. Nadadapa man ay patuloy pa rin siyang bumabangon at lumalaban sa mga hamon ng buhay.

Isa sa mga isyung kinaharap ni Andi ay ang pagkakaroon daw nila ng ‘di pagkakaunawaan ng kanyang inang si Jaclyn Jose. May mga balitang nagkabati na raw silang dalawa. Ayon kay Andi ay okay sila. “We were together last Christmas,” kuwento niya. Sina Jaclyn at Andi ay patunay na magkaroon man ng konting tampuhan sa pagitan ng mag-ina ay hindi mo maiaalis that a mother will always be there for her daughter. Just like Jaclyn to her daughter Andi.

Hindi pa rin matapus-tapos ang usapin tungkol sa kanila ni Albie Casiño who is allegedly the father of Andi’s daughter, Ellie. The actor recently apologized to Andi on television. Andi said her piece on the issue. “What I decided to do when I found out na ininterview siya sa The Buzz, nag-tweet ako. Lagi ko naman sinasabi dati, ‘Sino bang papatawarin ko, wala naman nagso-sorry?’ pero because he said sorry, for me that’s okay na. And everything else that happened, that’s all in the past. Basta sorry na, let’s just move on. This gives me peace of mind. Like I never thought that I would care pero because he said sorry [I have now] peace of mind [kasi] alam kong wala akong kaaway, walang gap with anyone. Mas madaling huminga.”

Contrary to rumors ay hindi raw sila nagkabalikan ni Jake Ejercito but they remain good friends. “We’re friends. We’re okay. I guess we pushed things too much. We forced things na kahit alam namin na hindi pa naman talaga namin kaya. Kaya siyempre nag-fall apart siya. I don’t know how he feels for me. You can ask him that. But for me, of course I care for him a whole lot and I’m just here for him.”

Anuman ang kanyang mga pinagdaanan noong nakaraang taon, Andi promised that she’ll make this year a good one for her. Pagtutuunan daw niya ngayon ng pansin ang kanyang anak na si Ellie at ang kanyang career. May balitang napipisil si Andi to play Maria Mercedes in the Pinoy remake of the famous telenovela. Although Andi doesn’t want to keep her hopes up, she still wishes na sana ay matuloy ito.

 Kaibigan, usap tayo muli!

 Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.