Sa kabila ng hiwalayan
Cristine Reyes at Rayver Cruz, nananatiling magkaibigan

KINUMPIRMA NINA Rayver Cruz at Cristine Reyes sa The Buzz na sila ay hiwalay na noon pang nakaraang taon. Pero sa kabila ng lahat ay nananatili pa rin daw silang mabuting magkaibigan.

“Ang maganda rito, okay kami dahil magkaibigan kami and matagal na kaming naghiwalay ni AA (palayaw ni Cristine), last year pa and we gave our best dito sa relationship namin and ganu’n siguro talaga. Hindi naman halos lahat ng relationship nagwo-work, ‘di ba?” sabi ni Rayver sa exclusive interview ng The Buzz.

Noong una, ayaw pa nila itong ipaalam sa publiko pero sabi nga, walang sikreto ang hindi nabubunyag. “Pero sa huli kasi ang daming nakakahalata, and we maybe unfairly judged na naman sa mga nangyayari, so nag-decide ako na dapat sabihin na natin. Very mutual naman ang decision namin,” pahayag ni Rayver.

Dagdag ni Cristine, “Parang siguro kasi bata pa kami pareho and parang gusto rin muna naming mag-focus sa work. Gusto naming mag-focus sa career namin.”

Simula pa lang ng kanilang relasyon ay hindi na sila tinantanan ng mga samu’t saring intriga. Ilang beses na rin silang napabalitang naghiwalay pero mariin nila itong itinanggi.

Ngayong inamin na nila ang totoong estado ng kanilang relasyon ay hindi siyempre maiaalis na pag-usapan kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Taliwas sa mga espekulasyon ay wala raw third party sa kanilang break-up. Nadadawit ngayon ang pangalan ni Derek Ramsay na leading man ni Cristine sa No Other Woman pero sinabi ng aktres na hindi sila nagde-date. Ayon kay Cristine, marahil dahil nakikita sila in public places pero kahit noong sina Derek at Angelica Panganiban pa ang magkarelasyon ay lumalabas na sila together with their friends.

Although they are no longer together, aminado ang dalawa na naging malaking parte ng kanilang buhay ang isa’t isa. Cristine said, “Siyempre andito pa rin ako para sa kanya and katulad ng sa kanya, parte na rin po siya sa buhay ko and ‘di ko ibabale-wala iyong pinagsamahan namin. Anytime, alam naman po niya iyon eh, andito lang naman ako.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Sa kabila ng hiwalayan
Cristine Reyes at Rayver Cruz, nananatiling magkaibigan

  1. nakakasawa na kasi ang dalawang ito… si unggoy bahala siya sa buhay niya, si landing cristine naman ayun at kinakati na naman kaya binabalik-balikan si dennis trillo…hindi makalimutan ang malaking tarugs ni dennis hahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.