Sa Kabila ng Ebolusyon Mo, Jacko… Salamat!

Kamakailan lang, pumanaw ang popstar na iniidolo ng marami at nakaimpluwensiya sa karamihan ng mga music artist natin ngayon. Patay na si Michael Jackson dahil sa cardiac arrest. Iyan ang bumulaga sa atin isang umagang akala natin ay normal.

Bagamat maraming contribution sa music industry si MJ, marami pa ring controversy na bumabalot sa kanyang pagkatao. Kahit nga ngayong dead na siya, marami pa ring haka-haka sa kanyang kamatayan. Kesyo may foul play raw, hanggang sa may mga balitang kunwari lang ang pagkamatay niya at ginagaya niya si Elvis Presley. Kulang na lang yata ang mabalitang na-detach ang ilong niya at hindi na siya nakahinga.

Malaki rin ang ipinagbago ng kanyang pisikal na hitsura. Sa tuwing makikita nga siya sa TV, talaga namang surprising parati. Nu’ng nagsimula siya sa Jackson 5, hindi mapagkakailang galing siya sa African-American na family. Pero marami ang napatambling nang isang araw ay humarap siya sa TV na maputi na. Iba’t ibang klaseng kaputian, merong fish belly white, rosy white at vampire skin white. Ang sabi may vitiligo raw siya, isang sakit sa balat na nagkakaroon ng white patches. Hindi natin alam, baka nga may chismis din na lumaklak siya ng clorox.

Isa pang kapuna-puna sa pagbabago ng hitsura niya ay ang kanyang ilong. Nagsimula kasi na malapad ang ilong niya. Tinatawag pa nga siyang “Big Nose” ng tatay niya. Nu’ng ginawa niya ang Thriller, kapuna-puna ang pagnipis at pagtangos ng ilong niya. Napa-breakdance ang marami. Marami ang pumuri at marami ang tumuligsa. Iilan pa lang kasi noong 80’s ang nagsasagawa ng mga ganu’ng operasyon. ‘Di naglaon, unti-unting nagbago pa ang  kanyang ilong hanggang sa hindi na ito maging magandang tingnan. Sabi nga raw, detachable daw ang kanyang ilong kaya raw siya nagsusuot ng white mask sa mukha. Kaya bago pa man mauso ang mga sakit ngayon, si MJ na ang nagpauso ng face mask as a fashion statement.

May mga chismis pa nga noon na nagte-take daw si Jacko ng female hormonal pills para ma-maintain niya ang kanyang boses. Gumagamit din daw siya ng hair extension dahil meron na siyang bald spot. Nasunog kasi ang kanyang ulo at dahil sa peklat, imposible na itong tubuan pa ng buhok.

Natalo niya pa nga ang kanyang mga kapatid na babae dahil naging mas maganda pa siya sa kanila. Hanggang sa mag-mutate ang kanyang hitsura at magmukhang character sa Planet of the Apes hanggang sa magmukhang zombie. Siya yata ang idol ni Madam Auring sa pagpaparetoke.

Bukod sa kanyang kaanyuan, marami pang controversy na hinarap si Jacko. Nagkaroon siya ng kaso sa korte dahil sa diumano’y child molestations. Meron ding financial issues dahil sa itinayo niyang theme park. Naging issue rin ang pag-dangle niya sa kanyang baby sa terrace at marami pang iba.

Bagamat maraming issues sa pagkatao niya, hindi mapagkakaila na malaki ang influence niya hindi lang sa music industry pati na rin sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa loob ng tatlong dekada naging interested tayo sa tugtog at buhay niya. Tanging mga genius lang ang makagagawa n’yan. At mananatili siyang buhay sa ating alaala…

Basta’t tumingin ka lang sa picture ni Madam Auring!

by Billycoy Dacuycoy

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Sa Kabila ng Ebolusyon Mo, Jacko… Salamat!

  1. Waw. Dami kong nalaman abawt kay MJ ngayon. Totoo rin bang nagpalit-palita xa ng sex organ? Dami kasing mesteryo sa likod ng moonwalk ni mj.

    Ganun pa man, talaga ngang bahagi na xa ng history.

Leave a Reply

Your email address will not be published.