Sa kabila ng break-up
Rayver Cruz at Cristine Reyes, napanatili ang pagiging friends

AYON KAY Rayver Cruz, napanatili talaga nila ni Cristine Reyes ang pagiging magkaibigan sa kabila ng nauwi sa break-up ang halos magdadalawang taon din nilang relasyon ng sexy actress.

Magkasama sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, nagkaka-text-an man pero hindi na lagi gaya dati. Bukod sa magkasama sa trabaho, siyempre iba na rin ang sitwasyon nina Rayver at Cristine sa ngayon, dahil wala na silang relasyon, kundi bilang magkaibigan na lang.

Hindi pa ring maiiwasang mahingan ng reaksyon ang aktor sa tuwing may isyu na pinupukol sa ex-girlfriend. Isa na nga rito ang balitang madalas daw na nakikita ang aktres na kasama ang gym trainor nito na sweet na sweet sa kabila ng pagiging pamilyado na raw nito.

Ayon kay Rayver, ‘di niya ito alam at ‘di niya inaalam. Pero kung kaninuman ma-link si Cristine, wala siyang makitang mali dahil kahit naman siya ay lumalabas kasama ang mga pinsan niya at may mga nakikilalang bagong tao.

Nang tanungin namin kung may bago na bang nagpapatibok ng kanyang puso sa ngayon, sa ngayon ay sa career niya pokus si Rayver at naniniwala siya na kung may darating talaga, darating naman ito nang kusa.

Kasama sa pelikulang On The Job na pinalakpakan, kung saan nagkaroon pa ng standing ovation ang mga nanood, tulad ni Piolo ay hindi pa rin makapaniwala si Rayver na ganito kainit ang pagtanggap na makukuha nila sa mga taga-Cannes.

Sa balita naman na nabili na raw ng ilang milyong dolyar ang OTJ para ma-distribute ito internationally, hindi pa ito nakukumpirma kay Rayver. Pero para sa kanya, ‘di ito imposibleng mangyari lalo’t maganda ang pelikula at talaga namang de-kalidad.

 

NAKAUSAP NAMIN kamakailan ang grupong  1:43 na siyang orihinal na kumanta ng kantang Sa Isang Sulyap Mo na pinasikat naman ng i-remake ni Bryan Termulo sa seryeng Juan Dela Cruz. 

Unang napansin at lumikha ng tatak ang nasabing kanta sa PBB Teens Edition 4 kung saan ito ang madalas na patugtugin at mismong version ng 1:43 ang napapakinggan. Sa lakas ng impact ng nasabing kanta, pinatutugtog ito sa Korea, sa isang segment ng radio show ng sikat na grupong Super Junior, kahit pa nga Tagalog ang lyrics nito.

Tinanong din namin kung ano ang pakiramdam nila na inaakala ng ibang tao na si Bryan ang orihinal na kumanta ng Sa Isang Sulyap Mo, dahil nga sa pagiging phenomenal ng seryeng Juan dela Cruz. Aminado naman ang grupo na hindi nila talaga nasabayan ang pagsikat ng kanta at maaring ganito nga ang mangyari.

Ang ikinatutuwa na nga lang ng grupo, ‘pag nagbabasa sila ng mga commets sa Youtube ay marami pa rin ang nakakaalam na sa kanila talaga ang kantang ito at mas maganda pa rin ang version nila. Ayon pa rin sa kuwento nila, bago pa man ito kantahin ni Bryan ay nakailang milyon na rin ang sumusubaybay at nakakagusto sa kanta nila.

Nagustuhan din nina Kris Aquino at Vice Ganda ang kanta nila nang mag-guest ang grupo sa Kris TV at Gandang Gabi Vice na sobrang ikinatutuwa ng grupo.

May ilalabas na bagong kanta entitled Ikaw At Gusto, love song pero iba ang tema nito na medyo may pagka-makulit at masaya ang liriko at tunog ng nasabing kanta.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Sa kabila ng break-up
Rayver Cruz at Cristine Reyes, napanatili ang pagiging friends

  1. KAYA HINDI NATAGALAN NI UNGGOY SI POKPOKINA DAHIL ALAM NIYANG MAKATI PA TALAGA SA HIGAD ANG HITAD KAYA NAG-PACK UP NA HAHAHAHAHA!

    SA TOTOO LANG, MUKHANG MGA MASAHISTA SA KAMUNING ANG 1:43 HEKHEK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.