Sa isyung secretly married na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado
Vilma Santos: ‘Malay natin!’

SA IKA-59 birthday celebration ng Star For All Seasons Gov. Vilma Santos, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa kanya. Espesyal din ang kanyang kaarawan ngayong taon dahil ito rin ang naghuhudyat ng kanyang ika-limang dekada sa showbiz.

Sa Ang Latest: Updated ng TV5 noong Sabado, nagsalita na si Ate Vi tungkol sa naunsiyaming indie film na gagawin niya sana. Schedule daw ang dahilan kaya hindi  ito natuloy. “Initial pa naman ‘yung usapan na ‘yon. Ever since gusto ko nang masubukan man lang kahit papa’no ang indie film, pero nothing is final although nagmi-meeting na kami at nagkataon lang na gusto ko ‘yung script na ibinigay nila. Pero when it comes to scheduling, akala ninyo three days, no. They’re asking for ten days.”

Naibalita na noon na gagawan siya ng TV special ng ABS-CBN kaugnay sa kanyang ika-limang dekada sa industriya. Pero marami ang nagulat nang napabalitang hindi na nga ito matutuloy. “Ako naman ang may kasalanan, ako ang tumanggi na kasi hindi ko na kaya. Sa sobrang pagod ko, physically, hindi ko na kaya. At saka I truly believe if it’s meant, it’s meant. ‘Pag hindi, baka huwag mong ituloy. Baka hindi bukal, hindi tuloy.”

Dagdag pa niya, days before her birthday, isang linggo silang magkasamang pamilya sa Hong Kong bilang bakasyon at advance birthday celebration kasama sina Sen. Ralph Recto at Ryan Christian. Kasama rin nila ang kanyang mga kapatid. Hindi nakasama si Luis Manzano sa naturang out of town getaway dahil nasa ibang bansa raw ito. “Masaya naman, masaya. At least, it’s family. Ang wala lang si Lucky kasi nasa Dubai. “

Kasama daw ni Luis sa Dubai ang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Okay lang kaya ito sa kanya? “Ibigay na ninyo ang kaligayahan ng anak ko, ibigay ninyo na. Nagmo-monitor naman kaming dalawa. Nag-sky dive nga, eh. Pinagalitan ko. Nag-sky dive, grabe.”

So hindi ba siya nagtampo na mas pinili ng anak na makasama ang GF kaysa sa kanya noong araw ng kanyang kaarawan? “Wala sa akin yon. Alam mo, na-prepare ko na ‘yung sarili ko do’n. Ayan si Ryan, someday ganyan din ‘yan. Saka lalaki pa ‘yung anak ko. So prepared na ko, na as long as hindi nawawala ‘yung communication sa family.”

Sa ngayon daw, mas malapit na raw ang kanyang kalooban sa kasintahan ng panganay. “Ang importante lang sa akin that time na naospital si Lucky. Nakita ko kung paano siya inalagaan ni Jen. Nakikita ko lang kung paano inalagaan ni Jen si… maybe because nanay na, I think. Iba ‘yung pulso ng nanay, eh, ‘di ba? When it comes to pag-aalaga, sanay na.”

Dahil nga sa sobrang pagmamahalan ng dalawa, tila handa na nga silang lumagay sa tahimik. Kaya naman, umuusbong na rin ang mga kuwentong lihim na diumanong nagpakasal sina Luis at Jen. May katotohanan ba ito? “Malay natin. No, at the end of the day, not my decision but Lucky’s decision. I think he’s old enough to decide for himself, so kung either magpapakasal na o kasal na, desisyon nila yon.”

Sa ngayon, handang-handa na raw si Mommy Vi na magkaroon ng apo o mga apo. “Oo naman, matagal na. Oo naman. Maliit ‘yung pamilya namin, ‘di ba? So kung magkakaroon ng baby si Lucky, okey, ‘di ba?”

 

MAGLI-LEVEL-UP NA talaga ang comedian impersonator na si Ate Gay dahil nakatakda siyang pumaimbulog sa isang malaking show sa SM Mall of Asia Arena, sa kanyang kauna-unahang concert na may titulong ‘Ako Naman’.

Last, November 8, sa isang birthday party sa Aristocrat Restaurant sa Malate kung saan isa sa mga guests artist si Ate Gay, masayang inihayag nito na finally ay umokey na ang nag-iisang Superstar Nora Aunor na mag-guest sa kanyang show. Isa kasi si Ate Gay sa maraming nag-i-impersonate kay Ate Guy. “Tuwang tuwa ako at lalo pa at guest ko siya sa Arena, at saka malapit na ring ipalabas ‘yung kanyang movie na Himala sa mga sinehan.”

Bukod kay Nora Aunor, kumpirmado na rin bilang mga guest performers ang Aegis Band, The Company, Allan K, Talentadies, Anton Diva, X Factor Gab, KZ and Daddy’s Home, at Sexbomb dancers.

Patawa pang wika niya, “Actually sila talaga ‘yung mag so-show, ako ‘yung guest nila.”

Busy naman daw siya sa pagpo-promote ng kanyang show at next week ay nakatakda na niyang simulan ang kanilang rehearsal.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Sa isyung secretly married na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado
Vilma Santos: ‘Malay natin!’

  1. Pingback: Vilma Santos News 2012 « Star For All Seasons

Leave a Reply

Your email address will not be published.