Sa isyung naghihirap na at tumatalbog ang tseke Manager ng Sexbomb na si Joy Cancio, umalma!

LAKING GULAT ng CEO/President ng Focus E at manager ng sikat na SexBomb Dancers na si Joy Cancio nang may lumabas na balitang naghihirap na siya kaya hindi nito nagawang bayaran sina Iza Calzado at Mr. Fu na diumano’y kinuha nito sa isang event.

Tsika ni Ms. Joy nang makausap namin, wala siyang matandaang show na kinuha niya sina Iza at Mr. Fu, dahil ang last daw na nag-produce siya ng show ay ang show ng mga alaga niyang SexBomb girls.

Kaya naman daw kaagad-agad nitong tinawagan ang manager ni Mr. Fu na si Mr. Noel Ferrer na kasaluku-yang nagti-taping ng Talentadong Pinoy kaya nagpadala na lang ng text na naglalaman ng “Text muna Kapatid…. Nasa Talentado lang ako…. Musta? Jusko, is this about the article about Mr. Fu? Sobrang mali ‘yung report! Nag-deny na at kinurek na ni Fu yung Joy Cancio sa Joy Viado.”

Aminado naman daw si Joy na medyo may kahirapan ang buhay niya ngayon after mawala sa ere ng kanyang mga palabas at sa pagtatapos naman sa ere ng Happy Yipee Yehey kung saan siya connected, pero not to the point naman daw na sobrang naghihirap na at magtatalbugan na ang kanyang tseke.

Hindi naman daw siya mag-i-issue ng tseke na alam niyang walang pondo, dahil alam niyang tatalbog ito. May mga nasubi naman daw siya during the time na nagpo-produce siya ng TV shows na nagagamit niya ngayong wala pa siyang bagong show.

 

PARA SA isa sa star ng Valiente ng TV5 na si Nadine Samonte, ready na siyang magpakasal lalo na’t turning 24 na siya ngayong taon. Gusto raw kasi nitong magkaroon ng anak na medyo bata pa siya para sabay niyang lalaki ang kanyang mga anak.
Pero sa ganda raw ng nangyayari sa kanyang career, mukhang dito muna siya magpo-focus. Sayang naman daw kasi ang magandang opportunity na dumarating sa kanya kung hindi niya bibigyang-halaga. Kaya naman daw next in line na lang ang pag-aasawa.

Masaya rin nitong ibinahagi ang kanyang lovelife with Emerson Chua, kung saan panandaling nag-break sila at ngayon ay happy together again. This time daw ay mas naging open at close sila sa isa’t isa at mas nae-enjoy nila ang kanilang pagsasama. Wish nga nito na si Emerson na lang daw sana ang kanyang makatuluyan at magiging ama ng kanyang mga anak.

ISANG MALAKAS na hiyawan ang sumalubong sa paglabas ni Dingdong Dantes na naka-black jacket  sa launching ng kanyang bagong cologne na Empower Deo-Cologne by Dingdong Dantes for Bench na ginanap last Feb. 4 sa Main Atrium ng SM Mall of Asia.

Mas lumakas ang hiyawan nang tanggalin nito ang kanyang jacket at tumambad ang kanyang magandang katawan habang ini-spray nito sa audience ang kanyang cologne na naging dahilan ng pagbango ng buong paligid ng nasabing venue.

Suportado si Dongdong ng kanyang manager na si Perry Lansigan na masayang nanonood. Nandoon din ang owner ng Bench na si Mr. Ben Chan at nagsilbing host naman nang araw na iyon ang nali-link kay Presidente Noynoy Aquino na si Grace Lee.

 

PANG-INTERNATIONAL TALAGA ang arrive ng tinaguriang Philippine King of Reggae na si Blakdyak dahil na rin sa dami ng shows nito abroad kung saan ang latest ay ang show nito with Kapuso singer na si Gretchen Espina sa Papua New Guinea sa Feb. 18, 19 and 20. Bukod pa ang shows nito sa USA at Canada ngayon ding taon.

Pero bago tumulak ng Papua New Guinea si Blakdyak, may show muna ito sa bayan ni Cong. Manny “Pacman” Pacquiao sa Sarangani at ilang TV guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7, ABS-CBN at TV5.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Sa isyung naghihirap na at tumatalbog ang tseke Manager ng Sexbomb na si Joy Cancio, umalma!

  1. may career pa pala si nadine samonte? may show pa pala?! oh well. eh ano bang pinaggagastusan ng bonggang bongga ng joy cancio na yan? the hell we care naman kung maghirap sya? and besides, is she a celebrity? my gosh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.