Sa isyung Manny Pacquiao – Krista Ranillo: Ara Mina, mas nagseselos kaysa kay Jinkee Pacquiao?! – Morly Alinio

NAKALOLOKA AS IN nakababaliw naman ang eksenang ito: Mga bida: isang maganda at seksing TV host actress at dalawang guwapong aktor.

Ganito ang eksena: Ito raw si maganda at seksing TV host at ang boyfriend niyang guwapong aktor ay may date. Magkikita sila somewhere in Makati, pero nu’ng oras na nang pagkikita ay hindi nakasipot si aktor dahil may sakit daw ito na dagli namang inunawa ng aktres na may magandang tinig.

Awang-awa pa raw si aktres sa boyfriend kaya pinagpayuhan nitong magpahinga na lang at siya naman dahil hindi nga natuloy ang kanilang pagde-date ay pupunta na lang ito sa isang friend, tutal naman daw ay miss na niya ang isang non-showbiz friend.

Ang sumunod na eksena, dahil mahal ni magandang aktres si guwapitong maputing aktor ay binalak nitong sorpresahin ito. Plano ng dalaga na puntahan sa bahay at dalawin pero mas nasorporesa at naloka siya dahil may nauna na sa kanya sa pagdalaw sa kanyang boyfriend – ang karibal niyang aktor na noon pa pinagdududahan ang gender.

Naloka as in nabaliw sa mother earth si magandang aktres dahil huli niyang sweet ang dalawang aktor na noon pa pinaghihinalaang may relasyon.

“’Day hindi alam ni aktres kung matutuwa o magugulat siya o kung ano dahil nauna pa sa kanyang dumating ‘yung aktor na matagal na niyang pinagseselosan.”
Kaya ang ending, iiling-iling daw na umalis ng bahay si magandang aktres. Noon niya talagang na-confirm na ang kanyang boyfriend at ang guwapong aktor ay totoong may relasyon.

ITINANGGI NI JINKEE Pacquiao na susugurin niya si Krista Ranillo sa Las Vegas. Ayon sa may bahay ni Manny Pacquiao, hindi raw siya magpapaka-cheap para patulan ang mga bagay na wala namang maitutulong sa kanya at sa kanilang pamilya. “Ang pagpunta ko sa Las Vegas ay para sa laban ng asawa ko at hindi para kung kaninong tao.” Iyon ang pahayag ni Jinky matapos na itanong sa kanya kung totoong balak niyang kumprontahin si Krista.

Kung paniniwalaan kasi ang balita bago pa raw umalis ng bansa si Manny, lihim umanong nakikipagkita ito sa dalagang anak ni Matt Ranillo III. “Kahit anong gawin niya hindi niya matatangging totoo ang tsismis dahil marami ang nakakakita sa kanila, ‘no!” Mataray na sabi iyon ng aming source.

Ayon pa rin sa aming source, hindi naman daw konsintidor na ama si Matt pero sa totoo lang ay wala itong kaalam-alam sa ginagawang pakikipag-ugnayan ng anak kay Pacman.”Sa pagkakaalam ko ang lahat ng pamilya nina Matt ay nasa Amerika dahil dahil dating US ambasador ang daddy ni Matt. Pero sa totoo, magaling tumeknik si Krista, mahusay itong gumawa ng eksena nang hindi namamalayan ng ama. Kaya malaki ang paniniwala kong meron talaga silang something ni Manny,” pagdidiin pa ng aming kausap.

Sakabilang banda, nakahinga na nang maluwag si Ara Mina dahil “lusot” na siya ngayon sa isyu nila ni Manny, dahil kung matatandaan sa tuwing magkakaroon ng laban si Manny, lagi na lang nadadawit ang kanyang pangalan.”’Yun ang akala ninyo dahil sa totoo lang, kung nagseselos si Jinkee ay mas selos na selos ngayon si Ara kay Krista,” tumatawang pagtatapos ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

15 thoughts on “Sa isyung Manny Pacquiao – Krista Ranillo: Ara Mina, mas nagseselos kaysa kay Jinkee Pacquiao?! – Morly Alinio

  1. Ang tatay ni Matt ay matagal ng patay at hindi ambassador ang step-father niya na si Amado Cortez kundi isang sa maraming Consul sa America. Aba pinaganda pa ang sarili…consul lang… ginawang Ambassador pa???!! Ang yabang talaga ng pamilyang yan. Mga artista lang naman mga OA kuno!!!

  2. Question: Why is Matt Ranillo, a respected actor of good moral values allowing his daughter to prostitute herself with high profiled celebrities?

    Question: Did the Ranillos experience heavy financial blows almost on the verge of bankruptcy? Is this reason valid enough to establish a “GOLD MINING CORPORATION” headed by Krista Ranillo?

  3. ewww if this is true! Because Krista is just gonna tarnish Manny’s name. Jinkee, shouldn’t be worried or stoop down to Krista’s level. Krista is a whore, home wrecker, gold-digger bitch, and a really horrible person. If this is true ah? So yun lang. :)

  4. kung hindi yan pambansang kamao at di gaanong maraming pera matagal na yang inalipusta sa kaimoralan at kalibugan sa mga starlet na bomba star. oa naman etong si jinkee alam naman nya yan kunwari nagbubulagbulagan lang yan added publicity gimmik din yan. si ara na mukhang baboy na inahin na hangang ngayon immoral at buraot sa pera galing kay pac kyut.

    totoo ang law of nature kay pac kyut kung anong karangalan ang nakukuha mo ganun din ang mga kaimoralang ginagawa mo, marami lang sa mga reporter ang natatapalan ng pera.

  5. tv host actress= NICKY GIL
    gwapitong mputing actor with a tune= BILLY CRAWFORD
    gwapong actor= LUIS MANZANO

    kya cla ngiwalay ni angel locsin dahil dn s ntuklasan ni angel n bading c LUIS

  6. old trash. i guess it is ANNE the actress and host who can also carry a tune, SAM the maputing actor and PIOLO the gwapitong actor

Leave a Reply

Your email address will not be published.