Sa isyu nila ni Kris Aquino
Herbert Bautista, pinaglalaruan ang press?

Herbet-BaustistaANO BA talaga ang totoo? Ako rin mismo, nalilito na rin kung ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng tsismis na it’s Quezon City Mayor Herbert Bautista and Kris Aquino playing beautiful music together. In short, inspiration nila ang isa’t isa tulad ng usap-usapan.

Nagsimula ang lahat sa social media nang minsan may binitawang linya si Kris something nice about Mayor Bistek sa kanyang morning show na Kris TV.

May nakahuli sa dalawa na inihatid pa ni Mayor Bistek si Tetay sa ABS-CBN compound hours before she faces the camera para sa nightly show niya na Aquino and Abunda Tonight (with Boy Abunda) na ang dagdag pa ay nag-dinner muna ang dalawa bago inihatid ni Mayor si Teta sa studio.

Hindi ko alam kung ang karugtong ng tsika na minsan, tumambay pa raw sa dressing room ng Queen of All Media ang butihing punong bayan, kung saan sa Kyusi ako nakatira ilang dekada na.

Pero ayaw bumitaw ng kumpirmasyon ng dalawang kampo. Ngumingiti lang daw si Tetay kapag tinatanong mo siya tungkol kay Mayor Bistek. Kung sasagot mang paiwas na tipong nagpe-playtime. Basta para kay Kris, araw-araw it’s “love, love, love…”

Kaya nga sa recent pa-event ni Mayor Herbert para sa mga student ng kanyang lunsod, kung saan ang mga kaibigan at supporter ay nagsagawa ng “Grand JS Prom” sa Quezon Memorial Circle grounds Friday night, excited kami na muling makausap si Mayor Bistek para kumpirmahin mula sa kanya ang tungkol sa kanila ni Kris na sa kaliwa’t  kanan na naglalabasang mga tsismis na “nanliligaw” siya o ‘di kaya’y “mag-on” na sila, inaabang-abangan ng madlang people ang sagot ni Mayor.

Sa isang cocktail table, na-korner namin si Mayor Bistik with Jobert Sucaldito and Leo Bukas na mga kasamahan namin sa panulat. Nagulat siya kung papaano nalalaman ng press ang  tungkol sa paghatid niya kay Kris. Nagulat din siya sa balitang nakarating sa media na minsan ay nakatambay siya sa dressing room ni Tetay.

Maging ‘yong pendant ng kuwintas na suot ni Kris na may initial na KB (meaning ba nito ay Kris-Herbert?) ay pinag-uusapan na rin sa social media. Ang naturang pendant sabi ng mga nakakita, ang dalawang letra ay nakapaloob sa isang mala-hugis heart na kung seseryosohin mo, baka nga sila na ngang dalawa.

Maging si James Yap, knows na kung sino ang “mahiwagang suitor” ng ex-wife niya dahil minsan sinabi ng anak niyang si Bimby na saksi sa mga kaeklatan ni Kris sa kanyang buhay at bagong buhay pag-ibig (after the “ghost” suitor na nag-dump sa kanya noong kaarawan niya; sa isang governor sa CL na alam naman niya  na kukulog at kikidlat ‘pag nagkataon) at ang latest at flavour of the season ni Tetay ay itong si Mayor Bistik.

That Friday evening, tatawa-tawa lang si Mayor Bistik. Parang pini-playtime ang mga press na kaharap niya na ayaw man niyang i-confirm na sila ni Kris; ayaw rin naman niyang i-deny.

Ang mga TV camera, sinusundan siya habang nagte-table hopping at nakikipag-piktyuran sa mga high school student ng kanyang lunsod na masayang-masaya dahil ‘yong iba sa kanila, dahil sa kahirapan, first time lang nakaranas ng kung ano ang sinasabing JS Prom.

Si Mayor kahit noon pa man naniniwala na mahalaga ang edukasyon lalo pa’t ang mga students na ito na mga constituent niya ay siyang makakatuwang niya  sa pagsasaayos at pagsasakatuparan  ng mga magagandang plano pa niya sa Kyusi.

Tulad ng theme ng event last Friday na “Heroes Making Bridges for the Future”, naniniwala si Mayor Bistik na ang mga kabataan ang siyang instrumento ng pagbabago.

Sa mga hindi nakaaalam, si Mayor Herbet ay nag-graduate sa San Beda College (never siyang nag-stop kahit busy siya sa kanyang career sa showbiz) at may Master’s degree in Public Administration from UP Diliman at Master’s degree in National Security Administration  from the National Defence College.

Successful ang event with entertainers like Paul Salas, Mika dela Cruz (of Mira Bella), Prima Diva Billy at ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilian, wagi ang event.

But that evening, hindi kami nagwagi kay Mayor Bistik na hanggang sa umalis siya ay ayaw niya i-confirm or i-deny ang tungkol sa kanila ni Kris.

Basta ang basa ko sa galaw niya at pagngiti, silang dalawa na nga ni Tetay.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Sa isyu nila ni Kris Aquino
Herbert Bautista, pinaglalaruan ang press?

  1. Halata nmn nanggagamit lng yn,tong si babae nmn gnyng klaseng lalake lng kung maka emote prng c Brad Pitt yung c lalake!..pangitingiti pa pede nmn nya sabihihin kung wla or meron man..ang arte nila di nmn bagay…malapit nga nmn 2016…

Leave a Reply

Your email address will not be published.