Sa isyu nila ni James Yap
Kris Aquino, ayaw nang magsalita

BLIND ITEM: Sumasakit na ang ulo ng isang guwapong character actor sa negosyo niyang restaurant. Gusto na niya itong i-give-up, dahil hindi ito masyadong kumikita at natuklasan pa niyang ‘yung iba niyang tauhan ay gumagawa ng anomalya.

“Alam mo, ibebenta ko na kahit palugi na lang. Mabawasan lang talaga ang stress ko. Talagang gano’n, eh.”

At ang sabi naman namin sa kanya na natutunan namin sa buhay, ‘wag siyang magtatayo ng business na itinayo na niya, saka pa lang niya pag-aaralan.

‘Pag nagtayo ng resto, kailangan, marunong kang mamalengke at magluto, dahil kung ipamamahala mo lang ito lahat sa mga tao, malaki ang tendency na lokohin ka.

Galing na kami diyan. Nalugi na kami, nasira pa ang friendship sa kasosyo.

 

TAMA LANG ang ginagawa ngayon ni Kris Aquino na hindi na siya nagsasalita o nagpapainterbyu tungkol sa isyu nila ni James Yap. Work to death lang ngayon si Krissy sa kanyang tatlong shows na Pilipinas Got Talent, Kailangan Ko’y IKaw at Kris TV.

Sa Twitter ay nagtatanong ang ilang bashers ni Kris na, “O, akala ko ba, magre-resign na si Kris para matutukan na niya ang mga anak niya? Ba’t nagwo-work pa rin siya?”

Una, gustuhin man ni Kris, meron pa siyang existing contract na dapat niyang tuparin. Otherwise, madedemanda siya. Kaya pinu-fulfill niya muna ang kanyang mga commitment.

At nakatutuwa rin na maraming tagahanga si Kris na nakikiusap sa TV host na ‘wag nang ituloy ang kanyang pagre-resign, dahil sa totoo lang, parang kulang ang panonood, kung hindi mo makikita ang isang Kris Aquino.

Kahit pa andaming naaasar o naaartehan kay Kris, hello… Kris Aquino is still Kris Aquino.

‘Yung isyung kung totoong pinaghahandaan na ni Kris ang pagtakbo bilang vice-president ng ‘Pinas sa 2016, hindi naman imposible ‘yon, eh.

Pero feeling namin, hindi matutuloy ‘yan. Mas love pa rin ni Kris ang telebisyon.

 

“I STILL thank the Lord for all these blessings!” nasabi na lang ni Vina Morales nu’ng ikuwento niya sa aming wala siyang pahinga, dahil literal na araw-araw na siyang may taping.

Kung tuwing MWF ang taping ng May Isang Pa-ngarap,  TThS naman ang schedule niya ng taping ng teleseryeng ayaw pa niyang banggitin ang title.

Pero nu’ng banggitin niya na magiging nanay siya ni Jessy Mendiola sa bagong teleserye, ‘yun na, alam na namin na remake ‘yon ng Maria Mercedes dahil ‘yun nga ang bagong programa ni Jessy.

“Okay lang kahit nanay na ng dalaga ang role ko. At least, may work. Hahaha! Saka maganda naman ‘yung role, choosy pa ba ako?”

Saka nabanggit ni Vina na ‘yung nabili niyang lote ay patatayuan na niya ng bahay, “Pero everytime iisipin kong ipapagawa ko ‘yung bahay, parang umiikot ang tiyan ko. Siyempre, gastos ‘yon, ‘di ba?

“Hindi ko nga alam kung maglo-loan ako or uunti-untiin ko na lang para hindi na ‘ko mangutang sa bangko. Pero bahala na. Lumalaki na rin kasi ang anak ko. Sa kanya ako talaga humuhugot ng lakas!”

Nakakatuwa ang 4 y/o daughter ni Vina, dahil ang fluent-fluent sa pag-i-Ingles, grabe. Ni hindi nga yata ma-runong Managalog. Kaya hindi namin kinakausap ‘pag dala niya sa set ng May Isang Pangarap, dahil baka kami naman ang maubusan.

Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Sa isyu nila ni James Yap
Kris Aquino, ayaw nang magsalita

  1. sbikona ngaba dirin itutuloy ng baliw na tetay nyan ang pgququit kuno2 e, ayan masaya nasa PGT at ng-iinarte na uli dun, dapat sa tetay nyn iboycot na ngmga viewers at pati ngmga endorsments nya kc walang isang salita ang bruhilda at napakasinungaling…ang kapal ng mukha ngsasalita ngmga bagay nadi nman tinutupad at pinangangatawanan…. dpat dyan ibitin na ng patiwarik…hay naku kumukulo tlaga dugo kosa echoserang frog nyan…. manloloko numero uno…mgdadrama at iiyak-iyak sa tv after dat wala na kakalimutan nlang mga pinagsasabi nya!!!

    • wow sa wakas pinost  din…khapon kc ayaw tlaga ipost…akala ko gumaya na kyo sa ibana na unfair kc ung iba dun ngmumura at ngsasabi ng bad at foul words pero pinopost tpos ung akin wala nman bad words kc ineedit kuna pra mapost dinedelete prin…. mga cra ulo din mga tga pep…

  2. Mayabang mag-quit , babalik din pala. PAKAPALAN NA LANG MUKHA!
    Hilig pa mag kuwento about this guy liking her or her crushes, SERIOUSLY SHE IS 42 year old?, not 16.
    Dami pang press release, yang ang gustong mag- quit!!! PLASTIC!!!

  3. Kris i will stand by you… just please stay in showbiz … parang awa naman huwag kang mag resign hindi mu lang alam marami kang taong pinasaya sa show mo.. yong basher mo sa social networking site huwag mu lang pansinin yon dahil mga kontra sila sa yo maging masaya sila pag mawala ka. sa showbiz… i believe your passion is in showbiz… nag iisa ka tetay… yong naninira sa yo MAMATAY nalang sila sa inggit… love you krissy…-Paolo

  4. talagang hindi kapnipaniwala ang mga salitang lumalabas s bibig n kris, noon k joey marami p cyang nabola at naloko isa n ako don pag iyak niya iyak din ako s awa ko s kanya pero ngayon yon awa at pag hanga ko s kanya nawala lahat yon non mapanood ko uli cyang nagiiyak s tv at yong mga pinagsasabi ny malayo s katotohan, kong anong arte niya non s pagiyak niya s tv non nag away cila n joey ganon uli non magalit cy k james, itong k nangyari s kanila n james imposible mga pinagsasabi ng babaeng yan. sbe niya non mag reresign n cy ngayon nman ganon din cnabe niy lumalabas n walang isang salita c kris eh. SANA NGA MAG RESIGN N CY

  5. kris as she claims is a nerd! She knew she has contracts then why she made the statement she is resigning! Drama? Manipulation? LIAR!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.