Sa isyu ng TRO sa impeachment proceedings Senado, todo-iwas na husgahan ang SC

AYAW UMANONG husgahan ng Senado na tumatayong impeachment court sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang magiging desisyon ng Supreme Court kaugnay sa pagpalabas ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang impeachment proceeding.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi nito na patas lamang ang tungkulin ng Korte Suprema at ng Senado na hindi maaaring hawakan ng bawat ahensiya.

“I will not prejudge sa maging desisyon ng SC,” giit ni Enrile.

Una nang ipinahayag ni Enrile na walang makatitigil sa kanila habang ginagawa nito ang tungkulin na nakasaad sa Konstitusyon.

Tahasang sinabi ng pangulo ng Senado na kung may isyu ng pag-abuso sa kanilang panig bilang impeachment court ay saka na lamang ito reresolbahin pagkatapos ng kanilang trabaho sa kaso ni Corona.

“Ngayon, kapag kami ay nagkamali and we become arbitrary or tyrannical or oppressive in our decision, then maybe that will become an issue later on after we have done our work. But while we are doing the work, in our opinion, no one can interfere with us,” dagdag pa ni Enrile.

Bagama’t nilinaw ng senador na tatalima pa rin ang Senado sa kautusan ng SC na magkomento kaugnay ng mga nakabinbin na TRO petition bilang paggalang na rin sa co-equal branch ng gobyerno.

Samantala, buo pa rin ang paniniwala ng liderato ng Senado na hindi maglalabas ng TRO ang hukuman laban sa Corona trial dahil malinaw naman aniya na tanging ang kapulungan lamang ang may solong kapangyarihan na dinggin ang kaso ng punong mahistrado sa ilalim ng Konstitusyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.