Sa isyu ng Sex-For-Flight: Villafuerte, Ipinagtanggol ng OFW

IPINAGTANGGOL NG isang overseas Filipino worker (OFW) si Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Riyadh Assistant Labor Attache Antonio Villafuerte sa mga akusasyon kaugnay ng “sex for flight” scandal.

Pinabulaanan ni James Limbaro na inaabuso ni Villafuerte ang mga Pinay worker sa Saudi Arabia.

Dinedepensahan aniya ang opisyal hindi dahil lalaki siya, kundi dahil malaki ang naitulong nito sa kanya bilang runaway.

Ayon kay Limbaro, naakusahan siyang nagnakaw ng pera ng kanyang amo. Pero sa tulong anya ni Villafuerte, malapit na rin siyang makauwi ng bansa.

Sinabi pa ni Limbaro na wala naman siyang nababalitaang pang-aabuso ni Villafuerte sa ibang OFW.

Una naman nang iginiit ng assistant labor attaché na sasagutin niya ang lahat ng akusasyong binabato sa kanya pagdating ng Pilipinas.

Samantala, handa rin aniyang harapin ang mga umaakusa sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.