Sa isyu ng rice smuggling
Ex-NFA Chief, Itinangging Pinakakasuhan ng Senado

NILINAW NG dating administrator ng National Food Authority (NFA) na hindi siya pinakakasuhan ng Senado matapos masangkot sa pagdinig kaugnay ng rice smuggling sa bansa.

Ayon kay Lito Banayo, imbestigasyon ang iniutos ng Senado sa Ombudsman at Bureau of Customs (BOC), taliwas sa lumabas sa ilang balita na kinasuhan siya o ang ahensya.

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, tumatayong chairman ng NFA, na bukas siyang paimbestigahan at panagutin ang sinumang nagpabaya sa NFA at sangkot sa pagbibigay ng import permit sa mga farmers cooperative na ginawang front umano ng smugglers.

Pag-aaralan din ng nasabing kalihim ang posibleng pagbuwag sa Farmers as Importers Program.

Sinabi pa ni Banayo na matagal na siyang tutol sa naturang programa.

Binigyang-diin rin ni Banayo na hindi niya masa-sabing naghuhugas-kamay si Alcala sa isyu ng rice smuggling.

Ang dapat aniyang busisiin: “Tama na tulungan natin ang magsasaka pero ang tinutulungan ba natin ay magsasaka o lider-lideran ng magsasaka?”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.