Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban
John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!

‘DI ITINAGO ni John Lloyd Cruz na nao-offend siya sa ‘di mamatay-matay na issue na nagkakalabuan sila ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

Ayon sa aktor, malaki ang kontribusyon ng media na pinaniniwalaan niyang nagpapasimula at nagpapalaki ng ganitong mga balita tungkol sa kanila. Na minsan ay pinagtatakhan niya kung saan ang pinanggagalingan.

Siniguro ng aktor na wala silang problema ng kasintahan, na maayos ang kanilang relasyon. Kung kaya’t nagtataka nga siya na tuwing i-interbyuhin sila ay lagi silang tinatanong kung okay ba sila o okay ba siya, na parang ang dating ay mas alam pa ng iba na may pinagdaraanan sila gayong wala naman.

Ang inaaala ng aktor ay ang pamilya nila ni Angelica, mga tagahanga, kamag-anak at mga kaibigan sa ibang bansa na nag-aalala sa tuwing may isyu na lumalabas sa kanila.

Para kay John Lloyd, sana maging responsable ang mga manunulat na sumulat ng tama, balance at hindi ang walang basehan lalo’t marami sa mga mambabasa, lalo na sa mga tabloid, ang naniniwala sa kung ano talaga ang nababasa nila.

Ilang ulit sinabing maayos at masaya sila sa kanilang relasyon. Patunay nito ay ang birthday celebration na Ihinanda ni Angelica para sa boyfriend, kung saan imbitado ang lahat ng pamilya at malalapit na tao kay John Lloyd.

 

KUNG TOTOO ang lumabas na balita na nag-resign na sa programang Face to Face si Amy Perez at mapapanood na lang ito sa darating pang isang buwan, tiyak na marami sa mga tagahanga ng nasabing programa ang malulungkot. Lalo’t naging parte ng buhay nila hindi lang ang reality tabloid talk show kundi ang tinuturing nilang T’yang Amy sa loob ng ilang taon.

Minsang nawala ang TV host sa programa nang magbuntis ito at manganak sa huli niyang supling, kung saan pinalitan siya pansamantala ni Gelli de Belen. Nagbalik programa si Amy at mainit namang tinanggap siyang muli ng publiko.

Ayon sa balita, nagpaalam na si Amy sa pamunuan ng TV5. Ang dahilan ng TV host, gusto naman niyang pahalagahan ang mga taong totoong nagpapahalaga sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

12 thoughts on “Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban
John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!

  1. NAKOH, JLC, LALO KANG RERESBAKAN NG MGA PRESS PAG GANYAN ANG SINASABI MO. ALAM MO NAMAN YANG MGA YAN, SENSITIVE. LALO NA PAG WALANG SOBRE, KAYA KA NILANG SIRAIN.

    ITO NAMANG SI AMY PEREZ, NAGPAPAKATALINHAGA. ANSABE? KUNG GUSTONG MAG-CONCENTRATE SA PAMILYA EH BAT DI PA DERECHAHIN. KALOWKAH!

    • I beg to disagree. Si Cristy Lucifermin ilang beses ng sinisiraan si JLC tuwing may lalabas na pelikula, laging inuungkat ang lasenggo issue sa kanya pero look, lalong nagiging blockbuster ang movies ni JLC. Ang latest nga ay ang The Mistress. Maraming naga-attempt siraan si JLC pero marami ring writers ang dumedepensa sa kanya because JLC delivers. Di niya hinahayaang madamay ang trabaho niya kaya tuloy-tuloy ang blessings sa kanya. Ayun, nganga si Shrek sa naghihingalong midnight show niya at nagco-cost cutting ang home network niya.

      • HAHAHAHA. EH MAHIRAP TLGANG IBAGSAK YANG SI JLC KASI MAGALING NA ARTISTA. KUMBAGA, MADE NA SIYA. ACTUALLY, LIKE KO RIN YANG SI JLC SA PAG-ARTE. BY FAR, HE’S THE BEST ACTOR SA GENERATION NIYA. BAWASAN NA LANG ANG DE-KAHON NA ROLES. YUN AT YUN NA LANG. SAYANG ANG TALENT. DAPAT MAG-INDIE O MAY-PLAY NG OFFBEAT ROLES. COME TO THINK OF IT, PARANG GINAGAMIT LANG SYA NG STAR CINEMA TO BE THE LEADING ACTOR NG TOP FEMALES STARS NILA. DEVAH, STAR CINEMA?

      • YAHAHAHAHHA TOMOH KA MARIANONG GARAPON, ANG PATRON NG MGA TSISMOSA SA DIVISORIA, KAYA HUWAG MUNA RING LAITIN SI MARIAN, HAHAHAHAH LALONG SUMISIKAT AT YUMAYAMAN ANG MARIANITA, ILANG TAON NA NINYONG BINA BASH YANG SI MARIAN, PERO HANGANG NGAYON NANDYAN PA RIN SIYA. HAHAHAHHA

      • Nyahahahahaha may reunion ng mga suki ng remate dito ohw, pero dami absent wala si lola rocks, kristd at ang baliw na si fake chcoleit nyahahahaha
        Si marianong garapon ba orig choco lage din sa remate? parang kilala mo kase sya nyahahhaha

  2. Tulad nalang nitong si melba kampon ni lucyfer-min dapat ang pinagsusulat ng mga to eh yung tungkol sa mga starlet ng station nila yung mga da hu at nameless na struggling wannabe artista nila sa teve payb na bankrupt na hahahaha daming inggit at obsess sa mga artista ng dos at ma associate na mga starlets ng teve payb at shitttt-eeee para maambunan ng konting pansin yung mga starlets na yan hahahahahaha mga poor starlets  

    • he he baka yung mga starlet ng abs cbn, marami sa kanila dun ang nameless, papuntahin mo nga sa mga Malls, buti kung pagka guluhan pa, he he

  3. Yung mga kampon ni lucyfer-min yung mga baklang writer ng tv5 at gma na walang maisulat  dahil puros di kilalang starlets lang meron sa station nila hahaha natural dun sila sa mga sikat mangiintriga at gagawa ng kwento dahil andun ang atensyon ng publiko! Sino nga ba magtyatyaga usisain ang buhay ng mga da hung starlets at wannabe ng gmeeewww at teve payb hahahahaha 

    • he he tangenge ka day, etong si Melba ay bayaran ng abs cbn, may linguhang sobre yan, alam mo ba yun day

  4. YAHAHAHHAHAHA NAASAR NA BA SI BOY PANOT SA MGA IRESPONSABLENG MEDIA,,,HAHAHAHHA NAKU ANG DAMI NGA NILA….KARAMIHAN AY MGA PASAHOD NG PR DEPT NG ABS CBN,,,HAHAHAHAHHA KAY BONG O KAY ERIC KA MAG SUMBONG BOY PANOT,,,,KILALA NILA YUNG MGA SINASABI MONG MGA MEDIA,,,MGA BAYARAN AT ALAGA NILA ANG KARAMIHAN DUN,,,,TINGIN TINGIN KA LANG DIYAN SA ABS CBN COMPOUND,,,,,KARAMIHAN NANDYAN SA TABI TABI,,,TAMBAYAN NILA ANG LUGAR NA YAN….WAHAHAHHAHA

  5. Nakakita na ng tunay na tao si Angelica sa katauhan ng lasenggerong si Lloydie,, Di tulad nung Ex nya na para syang tinetengteng ni Frankenistin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.