Sa isyu ng pagiging playboy at heartbreaker Camille Prats, ipinagtanggol ang kuyang si John Prats

VINDICATED SI katotong Ogie Diaz sa sinulat niyang mawawala ng one month si Anne Curtis dahil may iso-shoot itong Hollywood movie.

Inamin na kasi ni Anne sa Twitter na she’s shooting a Hollywood film.

Imbes na mag-sorry kay Ogie dahil nag-deny siya before ay ito pa ang tweet ni Anne, “@OlivinaRose @ogiediaz just so you know i did and so did he fir spulling the beans too early. Wag ka na kontrabulate! Ang saya saya ng life.” 

Last month ay ito ang sunud-sunod na tweet ni Ogie about Anne’s departure.

“Truth: 1 month mawawala sa bansa si Anne Curtis dahil naka-cast sya sa isang Hollywood film. Full length ang role.”

“Truth: naghahanap ng isang Pinay ang isang sikat na Hollywood casting director at si Anne Curtis ang napili. Excited si Anne.”

“Pag idinenay yan ni Anne Curtis eh sinungaling ang source namin. Ayaw pa raw kcng ipasabi. #sanaisamakodyanIngliseraDinMe. #chos!”

Pero mariin ang pagtanggi ni Anne na nag-tweet ng “Mali po kayo :).”

“Ok. Let’s just wait and see. Pag mali source ko, magsosori ako. Pano pag tama?” sagot naman ni Ogie.

Ayun, lumabas din ang katotohanan na tama si Ogie at nagsinungaling si Anne.

 

MALAKI ANG pasalamat ni Alden Richards sa kanyang dimples.

“Nakuha ko po ito sa mom ko, ‘yung dimple ko. What makes me even proud to have this dimple is ‘yung fact na  nare-recognize ako because of this. Thank you dimple. You’re always here for me,” sabi ng actor na nag-level up na sa leading man status via soap opera na pagsasamahan nila ni Louise delos Reyes.

May kissing scenes sila ni Louise at kahit medyo sanay na rin ay kinabahan pa rin ang poging actor.

“Actually, si Louise ang first onscreen kiss ko. Hindi po kami nabigyan ng chance noon. Nagsimula lang ‘yung ganoon sa My Beloved. At first merong kaba kasi nga kahit naman po sino ang first na magki-kiss onscreen merong kaba. So far naman every kissing scene namin ni Louise ay take one po. Parang ‘yung level ng comfort namin ni Louise when it comes to kissing scene ay doon ko po nate-test na comfortable na kaming magkatrabaho.”

Malaking pressure din kay Alden na nasa primetime na ang kanyang soap opera.

“Kinakabahan na excited, masaya na nabigyan ako ng ganitong project ng GMA. Sobrang walang hanggang thank you ang ibibigay ko sa GMA, sa family ko, sa Diyos at sa lahat ng tumutulong sa akin.”

 

TODO TANGGOL si Camille Prats dahil sinasabing against daw ang pamilya nila kay Bianca Manalo kaya nakipag-break ang brother niyang si John Prats.

“That’s not true. Walang kinalaman ang family namin doon. It’s just between the two of them. Sa kanila lang talaga ‘yun kung bakit ganoon ang pinatunguhan ng relasyon nila,” esplika ni Camille sa presscon ng bagong nitong talk show, co-host si Suzi Entrata-Abrera.

Na-hurt daw ang kapatid niya sa tsismis lalo na when he was called names like babaero, playboy and heartbreaker.

“Malungkot nga si Kuya ngayon. Sa totoo lang napu-frustrate siya kasi… he’s reaching the point na he wants to settle down. Medyo nalulungkot siya na hindi pa niya nakita ‘yon. Sabi ko, ‘wag kang ma-frustrate dahil darating ‘yon. Don’t plan it, ‘wag mong pilitin dahil dara-ting ‘yan sa iyo kung para sa iyo. Ngayon medyo nalulungkot siya kasi lagi raw sinasabi na parang hobby niya ang magpalit nang magpalit ng girlfriend. Sabi niya, ‘in all fairness naman to my relationship matagal naman at saka when I have a girlfriend I really stick to one’. Nalulungkot siya na ganoon ‘yung iniisip sa kanya. ‘Puyat na nga ako sa taping, pag-uwi ko puyat pa ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanya tapos balik na naman ako sa trabaho’.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Sa isyu ng pagiging playboy at heartbreaker Camille Prats, ipinagtanggol ang kuyang si John Prats

  1. Asus , point of settling down and promise nya kay bianca sya na ang last girl. Nakipgbreak sya dahil madali syang magsawa….wala pang one year break agad siguro may natitipuhan nang iba….natural ipagtatanggol ni camille at pagtatakpan nya kalokohan ng kapatid nya…wag sana mangyari sa mga kapatid nyang babae ang mga ginawa nya….karma lang yan…pareho pareho ang pattern ng ginawa nya sa mga exes nya maliban kay Shaina na nakipgbreak sa kanya at ipinagpalit kay john lloyd kaya sobra syang nasaktan, kasi nasaktan ego nya dahil sanay sya na sya ang nakikipagbreak.. Sinungaling sila….

  2. Ang tanong, kung ano ba ang deperensiya nitong si John Pratts, lahat ng nakarelasyon nito, Heart Evangelista, Shaina Magdayo, Rachelle Go and Bianca Manalo, lahat sila maganda at mabuti na lang at pinatulan nila itong si John considering he is short, what is the problem John?

Leave a Reply

Your email address will not be published.