Sa isyu ng pagiging mahigpit Enrile, umalma

NAKAHANDA UMANONG bu-maba bilang presiding judge si Senate President Juan Ponce-Enrile sakaling may kukuwestiyon sa kanyang integridad sa paghawak sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Hiniling ng House prosecution panel na maging maluwag sa pagpapatupad ng rules nito ang impeachment court.

Binanggit din ni House lead prosecutor Rep. Neil Tupas ang makailang beses umanong pagsupla sa kanila ng impeachment court kaugnay sa paraan ng kanilang paghahain ng mga ebidensiya.

Inihalintulad pa ni Tupas ang impeachment court sa umano’y isang ordinaryong korte at ang nangyayaring paglilitis ay mistulang isang ordinaryong criminal case lamang.

Nang hingan ng suhestiyon ni Enrile si Tupas sa gusto nitong paraan ng paghawak sa paglilitis, wala namang naialok na panukala ang naturang kongresista.

Sa panig naman ng Senate President, iginiit nito na may umiiral na Rules of Impeachment at Rules of Court na kanyang ginagamit na pamantayan sa kanyang mga desisyon.

Mariing itinanggi ni Enrile na may kinikilingan itong panig.

“Hindi ako hukom. Ako ay inatasan lang ng batas na maging presiding officer. Sabihin n’yo kung paano ako magiging liberal…. Kung di n’yo matanggap ang paraan ng paglilitis, ibibigay ko ang aking upuan sa kung sinong gustong pumalit,” ayon kay Enrile.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.