Sa Isyu ng Criminal Responsibility De Lima, kontra sa mas mababang edad

KINONTRA NI JUSTICE Secretary Leila de Lima ang panukalang babaan ang edad ng criminal responsibility ng mga menor de edad sa siyam na taong gulang sa halip na 15 anyos.

Ang sunud-sunod na insidente ng krimen kung saan nasasangkot ang mga kabataan ay hindi dapat ga-wing basehan para magkaroon ng pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, ayon kay De Lima.

“If the criminal syndicates are considered the problem, neither lowering the age nor putting children in jail is the solution. Arresting and putting children to prison is easier than cracking a whip at a syndicate. It is faster than providing programs and infrastructure to prevent them from offending. But it will not address the causes of offending,” ani ng kalihim.

Idinagdag pa nito na kung bababaan ang edad ng criminal responsibility ay malalabag din nito ang karapatan ng mga bata lalo na ang mga menor de edad na biktima lamang ng matatanda.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9344, ang menor de edad na may gulang na 15 taon pababa nang maganap ang krimen ay hindi maaaring sampahan ng criminal charges bagkus ay sasailalim lamang sa intervention program.

Iginiit pa ng opisyal na ang mga bata na nasasangkot sa krimen sa murang edad ay pawang mga biktima rin lalo na ng kahirapan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.