Sa isyu ng Cebu seminar poisoning Kaso ni RJ Echiverri, hiniling na madaliin

NAGHARAP NG mosyon ang isang dating pulis sa tanggapan ng Ombudsman para sa dagliang pagresolba sa kasong isinampa nito laban kay National Liga ng Barangay President Ricojudge Echiverri na may kinalaman sa Cebu seminar food poisoning, kung saan ang anak nitong barangay chairman ay isa sa naging biktima ng pagkalason.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Ely de Leon, kilalang opisyal ng kapulisan noong kanyang kapanahunan na dapat nang maresolba kaagad ang kasong abuse of authority “para ma-elevate na ang demanda sa korte”.

Si Ricojudge Echiverri, anak ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri, ay ipinagharap ng kaso at inilarawan ng complainant na miyembro ng ‘rich and famous family’ sa Caloocan.

Binira ni De Leon ang nangyaring insidente noong Disyembre 5, 2011, kung saan nagkaroon ng ‘mediaton conference’ sa CCB convergence room at isang Ma. Amelita P. Garcia ang nagsilbing mediator.

Sa naturang mediation conference, isang nag-ngangalang ‘Mr. Silverio’ ang umano dumating kapalit ni RJ Echiverri at pinayagan sa naturang ‘mediation’ kahit walang special power of attorney.

Kaya hiningi ni De leon ang kanyang ‘di pagpayag sa mediation. Sinabi rin ni De leon na siya ay palaging ini-interrupt ng mediator kapag nagsasalita at ang komento ay palaging sa respondents, ayon kay De leon.

Ang kasong isinampa ni De leon kay RJ Echiverri ay nag-ugat umano sa pagtatakip sa insidente ng ‘poisoning’ sa isinagawang seminar sa Crown Regency Hotel and Restaurant sa Mactan, Cebu ni Liga ng Barangay President RJ Echiverri kaya ipinagharap ng kaso sa Ombudsman.

Bukod kay Echiverri, sinampahan din ng kaso ni De Leon si Caloocan Liga director at Barangay 169 chairman Ruben Gatchalian.

Ang batang Echeverri at Gatchalian ay kinasuhan ng anti-graft law o  paglabag sa section 3 (f) ng Republic Act 3019 at section 5 (a) ng RA 6713.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni De Leon na siya’y nagsadya sa opisina ng Liga ng mga barangay noong Oktubre 24, 2011 para humihingi ng kopya ng medical certificate na may kinalaman sa ‘food poisoning’ sa isinagawang barangay seminar sa Crown Regency Hotel and Restaurant sa Mactan, Cebu noong Oktubre 20, 2011.

Ayon pa sa kanyang affidavit, ang nasabing medical certificate ay gagamitin sana sa posibleng pagsasampa niya ng kaso laban sa nasabing hotel and restaurant dahil ang isa sa naging biktima ng pagkalason ay ang anak ni Ely De Leon na si Emmanuel, na isang barangay captain.

Subalit sa kanyang pagdating, wala si Echiverri at Gatchalian sa opisina nguni’t sa tulong ng Liga staff ay kanilang tinawagan sa mobile phone si Gatchalian na umamin na ang nasabing medical certificate ay nasa kanyang posisyon.

Nagpadala rin umano ng formal request si De leon kay RJ Echiverri para makakuha ng kopya ng nasabing medical certificate, subali’t hindi umano binigyan ng kanyang hinihinging medical certificate.

Ang pagtanggi umano ng dalawang akusado sa pagbibigay sa kanya ng kanyang nire-request na medical certificate ay maliwanag na itinatago ang poison incident sa nasabing barangay seminar sa Mactan, Cebu.

Hiniling din ni De Leon na suspendihin ng Ombudsman sina Echiverri at Gatchalian para ‘di umano nila maimpluwensyahan ang imbestigasyon ng kanilang kaso.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.