Sa isyu ng asawa’t anak
Jose Manalo, tikom na ang bibig

Jose-ManaloKINULIT-KULIT ULI ng Startalk si Jose Manalo tungkol sa isyu nito sa asawa at anak niya, pero kahit anong pilit mo sa komedyante, ayaw na talaga.

Ang sabi niya, mas gusto niyang maayos ang problema nila sa tahimik na paraan. Ayaw nang magtalakan sila sa publiko na sinusubaybayan ng lahat.

Kung gusto raw ng asawa niyang maayos sila, puwede silang mag-usap kasama ang mga abogado nila para walang gulo, dahil pamilya pa rin naman nila ang apektado.

Sa totoo lang, hindi naman talaga nagkulang si Jose sa suporta sa mga anak nila. Pati nga ang hindi niya anak, na anak ni Anna Lyn sa dating dyowa, suportado rin ni Jose. Kaya wala silang marereklamo riyan.

Anyway, hindi na rin naman nagsasalita na ngayon si Anna Lyn. Kaya siguro puwede na silang magkaayos nang walang iskandalo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.