Sa Isyu ng Airtime Limit;
Comelec, Nakipagpulong sa OSG

NAIS NG Commission on Elections (Comelec) na agad makapagbalangkas ng magi-ging sagot nila sa inilabas na status quo ante order (SQAO) ng Korte Suprema kaugnay sa usapin ng airtime limits ng mga political advertisement.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nag-usap na sila ng poll commissioners kaya susunod naman nilang kakausapin ang kanilang mga abogado upang hingin ang mabilis na resolusyon sa nasabing kaso.

Nangangamba si Brillantes na madesisyunan ang isyu pagkatapos pa ng halalan, kung saan wala na rin uma-nong magiging epekto dahil hindi na nila maipatutupad.

Samantala, ayon naman sa isang insider sa korte na maaaring mabasura talaga ang patakaran ng Comelec, kung titingnan kasi ang naging botohan ay malaki ang bilang ng mga komontra sa Comelec resolution na aggregated airtime limits.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.