Sa issue nila ni Jaclyn Jose
Laarni Enriquez, ayaw ipainterbyu ni Erap

STARTALK’S WANTING to get Laarni Enriquez for an on-camera interview did not go as planned.

Hangga’t maaari kasi ay ayaw na sana ng dating Pangulong Joseph Estrada na makisawsaw sa isyu ang kanyang domestic partner in her verbal tussle with Jaclyn Jose.

Kinailangang “ipain” ng Startalk ang host nitong si Ricky Lo para personal na mismong kumausap kay Erap for Laarni’s guesting. Unknown to many, Tito Ricky is close to the former strongman, in fact, isang birthday ‘yon ng TV host-entertainment editor when he got a call from Erap who wanted to give him a big treat.

When Tito Ricky called to request for his partner’s interview, Erap politely begged off.  Sa December na lang daw itakda ang interbyuhan since his son Jake is scheduled to come home for the Christmas holidays.

 

SINADYA MISMO ng Startalk sa kanyang bahay ang dating mahusay na (indie film) actress na si Katherine Luna who gave birth to her fifth child three weeks ago.

The visit debunked rumors that Kat went back to dancing at night spots bago siya manganak. Her fifth offspring is courtesy of her non-showbiz live-in partner of three years. Sa pamilya ng kanyang kinakasama ngayon sila nakatira with her other children by different men.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko that Kat’s firstborn Nicole, now seven years old, is sired by multi-awarded actor Coco Martin.

Inamin ni Kat na dumating siya sa puntong hindi niya kinaya single-handedly na itaguyod ang lahat ng kanyang mga anak, hence, she was compelled to go back to entertaining at fun houses. Pero nilinaw ng aktres na kahit pinasok din niya ang escort service, “Hindi ko naman ibinenta ang katawan ko.”

Back to Coco, in fairness to the actor ay binilhan naman nito ng mga gamit si Kat nang isilang niya ang kanilang anak, but nothing followed. It was when Nicole was about five years old nang magtanong kung bakit hiwalay ang kanyang mga magulang.

“Binibiro ko na lang siya, sabi ko, hindi pa niya maiintindihan ang lahat, pero balang-araw, malalaman niya kung bakit,” sabi ni Kat. Kilala naman daw ni Nicole kung sino ang kanyang ama as she watches her father on TV.

Asked if she would allow Nicole to see her dad? “Hindi ko naman ipagkakait ang karapatan na ‘yon ng bata, pero sana, kusang-loob na gusto ring makita ni Coco ang anak niya. Ayoko namang sabihin niya na ipinanglilimos ko ‘yung anak ko. Saka sana, walang media. Huwag na nating idamay ‘yung bata.”

Totoong dumating daw siya sa puntong she wanted to give all her children to their respective fathers. ‘Yun daw ‘yong panahon that she was in dire financial straits. Kapakanan lang daw ng kanyang mga anak ang nasa isip niya, something she could hardly provide during her lowest times.

But times have changed. In Nicole’s particular case, hindi na raw niya ito ibibigay kay Coco. “Nabuhay ko na siya, napag-aral ko na siya, bakit pa? Magiging matatag na lang ako para sa mga anak ko,” pangako ng beinte singko anyos na dating sexy actress.

 

NOW THAT Vin Abrenica is officially a star after clinching the Best Actor plum in TV5’s Artista Academy, comparing him with his brother Aljur cannot be helped.

Sesentro kasi ang pagkukumpara in terms of their acting, aspeto kung saan mas nakakaungos si Vin des-pite his rawness. This is as opposed to Aljur na ilang taon na nga ba sa showbiz, pero bano pa ring umarte?

Aljur should take a cue from here, there’s no room for being complacent just because he began his career ahead of his brother.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Sa issue nila ni Jaclyn Jose
Laarni Enriquez, ayaw ipainterbyu ni Erap

  1. Ang ganda ng acting ni Aljur sa Coffee Prince! Akala ko bano daw. At ang galing kumanta sa Lagimusikal ng Party Pilipinas. Soothing and mellow ang boses nya. GMA, take note.

  2. Yeah krissy ur right, kahit paano may improvement na ang akting ni Aljur. Unlike Richard Gutierrez npaka hamon pa din umakting. As for bro Vin, he will forever just be a shadow for his elder bro. Granting mas ungos cya when it comes to acting. But waley cya star quality, mukhang kargador lang ang peg. 

  3. in fairness sa acting ni aljur, nagkalaman na ang performance nya. i’ve watched one episode of his coffee prince show, nagulat ako, lamang na sya kay richard gutierrez sa aktingan! … napakalaking da who pa rin sa akin yung vin abrenica, ni hindi ko maalala itsura nya. lipat ka na ng network vin hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.