Sa hiwalayang Cesar at Sunshine
Krista Miller, tigas sa pagsasabing wala siyang kinalaman!

HALOS MAPIKON na ang mga inimbitahang press sa press launch ng pinakabagong reality show sa TV5 na Boracay Bodies nang walang makuhang matinong sagot sa kontrobersyal na starlet na si Krista Miller.

Sagot ba naman kasi ng hitad sa tanong kung ano nga ba ang real score between her and Cesar Montano, “Wala… deadma lang.”

At nang matanong naman kung ibinalik ba ang mga regalo ni Cesar sa kanya kay Sunshine Cruz, sabi ni Krista: “Ubos na. Siyempre ang tagal na nu’n. Tsaka bakit ko iba-balik, ‘di naman sa kanya ‘yun?”

Pero ang labis na ikinapika ng press ay nang magpaliguy-ligoy ito sa pagsagot nang tanungin kung ano ang masasabi niya na siya ang dahilan sa paghihiwalay nina Cesar at Sunshine. Pangiti-ngiti lang itong si Krista at paulit-ulit ang pagsasabing panoorin na lang ang kanilang show at marami raw siyang pasabog doon.

‘Di ba naman? Ikaw itong lumalabas na dahilan ng pagkasira ng isang tahanan, tapos ni hindi ka makapagbigay ng matinong reaksiyon, o ipagtanggol mo lang ang sarili mo?

Sa pamimilit na rin ng press, nasabi na lang ni Krista na, “Siyempre, ako… sad ako sa paghihiwalay nila. Wala naman akong ginagawang kasalanan. Madalas ang pray ko na magkabalikan sila.”

Ganu’n?!

 

KALOKA NAMAN itong si Ethel Booba sa presscon pa rin ng Boracay Bodies na magsisimula na sa Sabado, April 6, 9:00 pm.

Nasabi kasi ni Ethel na ayaw na hindi na raw talaga siya babalik sa Wowowi-llie ni Willie Revillame. Matapos nga ang kontrobersiyal na pagkakasibak niya sa nasabing noontime show dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Willie.

Ayaw na rin daw niyang makita si Willie dahil sa isang bag na iniregalo sa kanya ng TV host. “May iniregalo siyang bag sa akin, hanggang ngayon, binabayaran ko pa. Actually nag-text nga kanina ‘yung kinuhanan ng bag, naniningil na,” patawang sabi ni Ethel.

Regalo naman daw talaga ang bag na iyon na Celine ang tatak. May type daw siyang bag nu’n na swak naman sa budget, pero ang itinuro ni Willie na mas maganda, ‘yun nga raw Celine na worth P175,000. Binili nga raw ni Willie para sa kanya, pero kalahati lang ang ibinayad at siya ang magbabayad ng kalahati.

Hindi naman daw niya kaila-ngan talaga ang bag, pero dahil ganu’n nga ang nangyari, parang dusa ang inabot niya ngayon.

Ang isa pang ikinaaliw ng dumalo sa presscon ay aminin ni Ethel na may nakatsuktsakan siya sa nasabing reality show.

“Ako pa ba?” pagbibirong sabi pa ni Ethel nang matanong nga ito kung may nangyari ba sa Boracay during the taping of Boracay Bodies.

Hindi man pinangalanan ni Ethel kung sino sa apat na boys na kasama nila ang pumawi sa nag-iinit niyang gabi, nagbigay naman ito ng clues, na bukod sa may GF nga raw kasi at ayaw niyang makasira sa relasyon, isa raw sa dalawang guys na nasa kanan. That time, ang dalawang guys sa kanan ay ang mga model na sina Victor Silayan at Luke Jickain.

Kaya ayun, nagwanplaswan maynuswan na lang ang press.

Incidentally, muling makakasama ni Ethel sa isang reality format show si Phoemela Baranda (una na silang nagsama sa Extra Challenge ng GMA-7, at sa I Dare U ng ABS-CBN) na siyang host ng reality game shot in Bora.

Makakalaban naman nina Ethel at Krista Miller sina Wendy Valdez, Helga Kraft, Joross Gamboa, Brent Javier, Luke at Victor para sa titles na Ultimate Party Girl at Ultimate Party Boy na mananalo ng P500,000 each.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

6 thoughts on “Sa hiwalayang Cesar at Sunshine
Krista Miller, tigas sa pagsasabing wala siyang kinalaman!

  1. Nothing special to her features—she will long be forgotten tulad nung isang Krista din. Pipili lang ng side dish is Ceasar Montano ito pa….nakaaaaw ka walang taste!!

  2. Hanep.magsinungaling yong si KristaKabitMiller.. Sana tinanong n rin ng press kung totoong nahing kabit sya ni Rep.Nograles na syang nagsustain ng lahat ng pinaretoke nya sa Muka..kakaloka! Gawin p nyang sinungaling ang mga bata..
    Gugustuhin b nilang mawasak ang family nila? Tandaan kung may usok may apoy!! kaya may pinaghuhugutan talaga ang issue  yan!

  3. KALOWKAH ITONG SI KRISTA. SHE CERTAINLY KNOWS HOW TO PLAY THE GAME PARA SUMIKAT. WELL, STARLILET PA RIN ANG CATEGORY NYA HA, HINDI STARLET.

    • Tama ka.. Actress ang claim nya sa sarili nya!! dami nya pinagawa sa katawan pra sumikat. At ginamit pa c CM. hindi n nahiyang nakakaharap p sa press kahit alam nya ang totoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.