Sa hiwalayan nila ni Pia Guanio: Vic Sotto, galit at ayaw sagutin ang isyu?!

TAHIMIK PA RIN sina Vic Sotto at Pia Guanio sa isyung hiwalayan. Pero ang sabi sa Showbiz Central, sa pagbabalik ni Pia galing Thailand, magsasalita na raw siya at lilinawin na niya ang isyung ito.

Ang tanong lang: Aamin kaya ito o magdi-deny?

Nakapagdududa lang kasi dahil pareho silang tahimik at ayaw nilang magkomento sa intrigang ito.

Magmula nang pumutok ang balitang break-up nila, walang may nagsasalita sa kanila at quiet lang talaga sila.

Nu’ng minsang sinadya nga ng Startalk si Bossing Vic sa Eat… Bulaga! para interbyuhin, nang nalaman niyang tungkol sa break-up ang pag-usapan, tumanggi ito at nagalit pa raw.

Lalo pa yatang nagalit ngayon dahil nadadamay naman ang isang kasamahan nila sa Eat… Bulaga! na si Daiana Menezes. Katambal kasi ni Bossing ito sa My Darling Aswang sa TV5, pero hindi naman daw totoo ‘yun. Tingin ko nga, hindi!

Narinig ko namang laging lumalabas daw si Pia kasama ang mga kaibigan at hindi kasama si Bossing. Parang girls night out daw para sandaling makalimot sa break-up.

Napag-uusapan naman namin minsan ito nina Joey de Leon sa Startalk. Wala talaga siyang masasabi dahil nakikita naman daw niyang okay ang dalawa. Ginagawang biruan na lang daw nila ang isyung ‘yun, pero mukhang okay raw.

Ang isa pang aabangan daw natin, kung hindi sasama si Pia sa Eat… Bulaga! show nila sa Amerika sa September, ibig sabihin nu’n, wa na nga talaga.

Pero sa ngayon, kung meron ngang problema, baka naman inaayos nila na magkabalikan. Kasi sayang din ang mahigit limang taon nilang relasyon at dinig ko, nagpatayo na nga raw ng bahay si Pia malapit sa bahay ni Bossing Vic.

Sinabi pa naman noon ni Bossing Vic na dineklara na niyang si Pia na ang huling babae sa buhay niya. Kaya kung may problema man, tingin ko, sinusubukan nilang ayusin ang ano mang problema nila.

SA LINGGO NA pala magsisimula ang bagong episode ng Love Bug sa GMA-7 na napapanood natin tuwing Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas.

Itong bagong episode nila ay Exchange of Hearts na tampok ang apat na Starstruck winners na sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Diva Montelaba at Enzo Pineda. Sila na ang bida rito, kaya rito natin makikita kung kaya na ng mga batang ito na magdala ng show.

Sa Camiguin kinunan ang buong episode at puring-puri naman ni Direk Andoy Ranay ang mga bata.

Bago pa man sila pinagla-loveteam, mukhang nagkakadebelopan na sila. Botong-boto ang pamilya nina Enzo at Sarah na magkadebelopan na ang dalawa, pero pinagsasabihan naman silang mag-focus muna sa trabaho dahil bata pa nga naman sila.

Si Diva naman ay inaamin niyang posible silang magkadebelopan ni Steven dahil close naman talaga sila noon pa. Pero ganu’n din ang payo sa kanila ng GMA Artist Center na unahin muna nila ang trabaho bago ma-in love.

Masunurin naman ang mga bata at gusto nilang mapatunayan munang kaya na nilang magdala ng show, kaya wala pa silang karapatang makipag-inlaban ‘no!

Abangan n’yo na lang sa Linggo itong episode nila sa Love Bug para makita natin kung may chemistry ba sila bilang loveteams.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Sa hiwalayan nila ni Pia Guanio: Vic Sotto, galit at ayaw sagutin ang isyu?!

  1. Kailan ba aalis si Pia sa EB-sawang sawa na kami sa kaniya. Nanonood ako ng EB para mag-enjoy at hindi mabuwisit kay Pia na trying hard-gusto niyang mag-dominate sa ibang dabarkads eh sila may talent eh si pia walang -walal
    eh si Pia-laspag at tuyot na tuyot na.

  2. sbi n pia underconstruction ang relationship nla n vic,sna mdemolish n!smula naging cla n vic,ang laki n ng ulo nya!sobrang epal s EB,nakaka-irita!feeling sya msyado,kaw lng ang pnaayos n pokwang luk-alike!obvious msyado s EB n ikaw ang habol kay vic at d halata n malaki age gap nila n vic,mas mukha pang bata s dina bonnevie syo..

  3. sana nga ay matanggal na rin si Pia sa Eat Bulaga. Super OA. Acting sosyal halatang trying hard naman at super takaw pa sa Mikropon0. Kaya ako pag showbiz news lang naman sa Startalk na ako. At ikaw naman Lolita, Tigilan mo naiyang pagbati sa show. Ano pa ba ang papel mo doon. Suwelduhan para lang magpasalamat sa mga taong nahaharbatan mo? babasa ka lang utal ka pa at hindi mo pa magawa ng tama. Sa Showbiz Central puro ka OAyan lang ang ipinakikita nina Raymunding at Pia at isama pa si P-Chi. Pia advice sa iyo tama na ang pasosyal ek ek mo hindi mo carry dahil hindi ipinanganak na socialite

  4. Siguro, lumiwanag na ang kaisipan ni Bossing kay Pia-pangit, social climber, walang talent, pampalipas lang ng kati and masama ang ugali. Akala mo super ganda, super sexy and super talented pero naku, kabaligtaran.
    Maitim na ang singit-maitim pa ang budhi. Losyang ka na and laspag ka na nung mapunta kay Vic sotto.
    So, stop acting like an angel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.