Sa hiwalayan nila ni Paolo Contis
Lian Paz, nagpapaka-busy para ‘di maramdaman ang sakit

EKSKLUSIBONG NAKAPANAYAM ng showbiz talkshow na Ang Latest ng TV5 si Lian Paz at luma-bas ang naturang panayam noong October 9. Dito ay nilinaw kay Lian kung ano ba ang take niya sa pagkaka-link kay Jennylyn Mercado ng ex-husband niyang si Paolo Contis.

Ayon sa dating EB Babes dancer, matagal na raw ang isyung ‘yun. Aniya, “Actually, matagal nang issue ‘yon. As in talagang closed book na ‘yon. Nakakatawa nga, eh.”

Inamin din ni Lian na tinawagan siya mismo ng boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano upang klaruhin ang mga bali-balitang lumabas. Kuwento niya, “Nakakatuwa rin si Luis kasi tumawag siya sa akin and then kinonfirm niya talaga ‘yung bagay na ‘yun if it’s true. Well, sabi ko nga kay Luis, it’s not about Jen anymore. Problema namin ito ni Pao. Huwag na tayong sumali.”

Dagdag pa ni Lian, pinayuhan na lang niya si Luis na huwag nang makinig sa mga lumulutang na intriga between Jennylyn at Paolo. Payo raw niya sa anak ni Governor Vilma Santos, “Don’t waste your relationship. You have a very good relationship with her so huwag na, sayang…”

Muling inusisa kay Lian ang katotohanan tungkol sa diumano’y 3rd party on her part kaya naghiwalay sila ni Paolo. Paglilinaw muli ni Lian, nasaktan siya sa mga balitang ‘yun, “Oo naman, siyempre kasi parang nakakagulat na nga ‘yung mga pangyayari tapos gano’n pa ang lalabas, ‘di ba? Unfair on my part ‘yun sa lahat.”

Dagdag pa niya, “Ayokong lumalabas na ganon kasi siyempre, may anak na ako. I have two kids, both girls parehas, ganon.”

Sa ngayon daw ay todo-kayod si Lian para masuportahan ang kanyang mga anak.

Emosyonal niyang kuwento, “You have to work every day to support your kids. Pagkatapos mo sa trabaho, may time ka pa rin sa mga kids pag-uwi mo. So nagpapaka-busy talaga ako para hindi ko maramdaman ‘yung pain.”

 

MALUNGKOT NA malungkot si Cesar Montano nang makausap namin noong ikalawang gabi ng lamay ni Direk Marilou Diaz Abaya. Isa kasi si Direk sa may malaking naiambag para sa tagumpay ni Buboy sa industriya. Tatlong pelikula ang kanilang pinagsamahan, ang Jose Rizal, Muro-Ami at Bagong Buwan na award winning films lahat.

Kuwento pa ni Cesar, kasama siya sa mga taong nasa kuwarto ni Direk Marilou sa hospital nang ito’y binawian ng buhay. Gayun pa man, masaya na sila na nasa heaven na daw ang magaling na director at propesor.

Nakatakdang ilibing ang mga labi ni Direk Marilou sa Sabado, October 13.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Sa hiwalayan nila ni Paolo Contis
Lian Paz, nagpapaka-busy para ‘di maramdaman ang sakit

  1. anu anman kung hiwalay na tong mga kumag na starlet ng gmeeewwww?????? mga hunghang na starlets talaga ng gmeeeewww paraparaan mapagusapan lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.