Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli
Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

SOBRANG MAGBATUHAN ng papuri dati sa isa’t isa sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Kaya masagwa nga naman kung dahil sa kanilang hiwalayan ngayon, maglalabasan sila ng kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang naging problema dahil baka magkasakitan pa sila.

Ipinagpauna na kasi nila na walang involved na third party sa kanilang break-up, kundi kakula-ngan lang sa oras. Na ang nadidiin naman ay si Matteo, dahil sobrang busy nga siya ngayon.

Pero may mas malalim siyempreng dahilan ang kanilang hiwalayan, na hindi lang nila maipaliwanag. Noon kasing nakaraang taon, pareho naman silang busy, dahil sabay silang maraming proyekto na pinagkakaabalahan sa showbiz, at wala naman silang reklamo. La-ging may paraan basta tungkol sa kanilang relasyon.

Ngayon kasi, sobrang abala si Matteo sa kinahihiligan niyang iba’t ibang sports, na dati na naman niyang gawin bago pa man sila nagkakilala ni Maja.

Parang sa kanilang dalawa, si Maja ang mas nasasaktan sa hiwalayan nila ni Matteo. Hindi naman iyon nakapagtataka, dahil todo-bigay raw ang magandang young actress kapag siya ay nagmahal. Kaya puwedeng isipin, na nanlamig si Matteo dahil baka sa kanya na umiikot ang mundo si Maja.

Dahil sobrang tindi kung magmahal si Maja, kaya dapat lang naman na sa susunod niyang pakikipagrelasyon ay magtira naman siya ng para sa kanyang sarili, para hindi siya nagmumukhang kawawang iniwan.

 

BLIND ITEM: Mula sa kanyang pagkabata ay sabik sa pagmamahal ang aktres na itago na lang natin sa screen name na Maricris Jurado. Ito ay sa dahilang produkto siya ng broken family. Kaya noong siya ay magdalaga ay hindi nawawala sa kanya ang ambisyon. Na kapag dumating ang panahon na nabigyan siya ng pagkakataon, hindi niya hahayaang magkaroon din siya ng wasak na pamilya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na sobra niyang mamahalin ang lala-king iibig sa kanya.

Kaya lang, laging nagkakamali si Maricris sa mga lalaking kanyang minamahal. Hindi rin kasi niya makayang pangalagaan ang relasyon na kanyang pinapasukan, dahil hindi rin nawawala sa kanya ang pangamba na baka kung sino ang lala-king kanyang mahalin ay iwanan din siya at maranasan din niyang magkaroon ng wasak na pamilya.

Maganda’t seksi si Maricris, kaya maraming lalaking nahuhumaling sa kanya. Dahil lagi naman siyang parang nakikipagsugal sa pakikipagrelasyon, kaya katawan at kagandahan na lang niya ang tinatarget ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya.

Ilang magkakasunod na lalaki ang nakarelasyon at nakahiwalayan ni Maricris. Hindi rin siya nagpapahinga sa pagmamahal. Hindi niya pinanghihinayangan ang kanyang katawan, dahil sa paghahangad niya na makatagpo ng lalaking magiging totoo sa kanya, pakakasalan siya at hindi iiwan.

Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising sa katotohanan, na ang mga lalaking nakakarelasyon niya ay nagpaparaos lang sa kagandahan at kaseksihan niya. Kaya napapansin na sa showbiz, na nakapila lang ang mga lala-king nagkakagusto sa kanya, pero walang nag-aalok ng kasal.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

14 thoughts on “Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli
Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

  1. Fan din ako ng Samanne. When they separated i was so sad and so affected! But since Anne moved on na,nalungkot ako at first,pero na realize ko na okey naman yung bf nya.He’s rich educated and super gwapo rin at Di pakakabog kay Sam. So,Ang wish ko sana makahanap si Sam ng gf na Hindi man makahigit kay Anne at least naman pwede nyang Ika proud. But Kung tutuo man yung sinabi ni Ms.JEN at Ms.Joy about Sam and Maja I’m sad.Nothing against Maja,It’s just hindi sila bagay for me! and i also heard thaSam and Mateo are friends.So parang ang sagwa.But kung Gusto ni Sam walang magagawa di ba? Sorry po na Off topic ako! Nakapag react lang ako kasi sa nabasa ko above.Anyway Thank you for the space.Sorry again!!

  2. NAGSAWA NA C MATTEO SA WASAK NA PUKE, PWET AT BUNGANGA NI MAJA NA MALUWANG NA AT WALA NA CYANG SARAP NA NATITIKMAN KAPAG NAGKAKANTUTAN CLA KYA NAKIPAG-BREAK NA CYA. GANUN LNG KADALI UN BWAHAHAHAHAHAHAHHAH

    PWEDE RIN NMAN NA TINATARGET NI MATTEO C SARAH GERONIMO. SABAGAY BAGAY CLA BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  3. This girl is undeniably one oft Phil.good young actresses now.Sad to say lang nga na wala syang dating sa masa .Hindi  sya pang leading actress! Parang ang dating nya yun tipong  pang Eula Valdes, or Jean Garcia good actresses but pang support ang category .Wala syang gaanong hatak sa movie goers. Unlike Kim Chiu  or Sarah Geronimo na malaki talaga ang Fan base at mahal talaga ng mga tao. But one thing I noticed kay Maja Alam nya kung sino ang kakaibiganin nya sa Showbiz!  Her friends are no less than Kim C  and  Sarah  G.

  4. mag iinarte pa yang maja na yan? pwede ba! magpakabusy na lang ang ma-ereng maja na yan para hindi mag inarte sa mga interviews! kapal ng pagmumukha ng malanding yan tsee! hahahahahahahahah

      • Faney ako ng lavteam ni Sam at Anne! natural updated ako sa pangaraw araw na ginagawa nila. Wala pa akong nakikita larawan nila ni Sam maliban sa show nila sa batanggas “KUNG SAAN UMATEND” ako. edi ilabas mo yang pruweba ng magkaalaman kung sino ang mas gaga at tanga! Impokrita!

      • Ilusyonada ka. Hindi type ni Sam si Sarah. Nung Idol days nga pinipilit ng handler ni Sarah ang handler ni Sam na iset-up sila kunyari para sa promo ng show, pero ayaw ni Sam. Besides, ang sabi ni Sam 2 months ago, may crush siya na matagal na pero may boyfriend. Type niya daw talaga. Si Maja yun. Magtanong ka pa sa ABSCBN staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published.