Sa hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas
Jed Salang, ‘di kinaya ang mga panlalait

SI AI-AI delas Alas naman ngayon ang paboritong paksa nang usapan dahil sa hiwalayan nila ng asawa niyang si Jed Salang.

Pagkatapos niyang magsalita at inamin sa The Buzz ang dahilan ng hiwalayan, naging trending daw ito sa mga social network site at ang nakakaloka, pinutakti raw itong si Jed ng pamba-bash at panlalait ng mga tao lalo na sa mga supporter ni Ai-Ai.

Nu’ng nakaraang buwan lang ipinalabas ang kasal nila sa Las Vegas at sa mga napanood nito sa The Buzz, marami ang humuhulang hindi raw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Pero walang nakahula na wala pang isang buwan ay maghihiwalay na sila.

Ang kuwento pa ngang nakarating sa akin, kaya iyak daw nang iyak itong Jed nu’ng kasal nila dahil ayaw daw sana talaga nitong magpakasal. Hay, naku! Obvious na ginamit lang niya talaga si Ai-Ai. Pero mabuti’t natauhan na rin ito at ngayon sirang-sira na itong si Jed.

Tumawag nga sa akin si Ai-Ai nu’ng kamakalawa lang para batiin ako sa birthday ko. Parang okay naman siya, pero halatang malungkot talaga ito. Mabuti na lang marami ang nagbibigay ng suporta sa kanya.

Nagulat nga ito pagising niya na dumating si Willie Revillame sa bahay niya at binigyan ito ng Louis Vitton bag para kahit papa’no mapagaan naman ang nararamdaman nito.

Wala namang masamang tinapay kay Ai-Ai at marami ang nagmamahal sa kanya kaya todo ang suporta sa kanya ng mga kaibigan nito at mga fans.

Ang naloka raw, itong si Jed na dini-activate na lang ang Twitter account dahil hind na kinaya ang mga panlalait na ipinarating sa kanya.

Tuloy ang daming negatibong kuwento tungkol sa kanya na naglabasan na talagang kinarir daw niya si Ai-Ai na gamitin at kakuntsaba pa raw ang ex-wife nito?

Ang hinihintay na lang ngayon ay ang susunod na hakbang na gagawin ni Ai-Ai. Ang dinig kasi namin ay idedemanda niya ito pero ayaw niya munang magsalita sa ngayon.

Abangan na lang natin. Pero tingin ko makapag-move on agad ang hitad na ‘yan! Tsaka huwag na munang ma-in love, ‘no! Nandiyan naman ang mga anak niya.

 

MALAPIT NANG matapos ang Indio ni Sen. Bong Revilla, at sa pagtatapos nito ay isinali si Jolo Revilla na siyang gaganap ni anak ni Indio.

‘Di ba may anak du’n sina Bong at Jennylyn na si Antonio? Paglaki nito ay naging si Jolo na. Parang guesting lang ito, at pinagbigyan lang ang request ng Papa niya dahil bagay nga namang siya ang gaganap nu’n.

Kahapon lang siya nag-taping at pagkatapos nito ay aalis na siya para magbakasyon.

Baka mauna siya sa Papa at Mama niya na magbakasyon sa Amerika na I’m sure kasama du’n si Jodi Sta. Maria.

Alam ko on tour din sina Jodi kaya baka magkita-kita na lang sila du’n.

Mukhang tanggap na tanggap naman si Jodi sa pamilya, at sabi nga ni Lani, nakikita niyang masaya ang anak niya. Kaya masaya na rin sila at kung suporta-han nila ito kung ano man ang plano ni-

lang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Sa hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas
Jed Salang, ‘di kinaya ang mga panlalait

  1. IN FAIRESS HA, LOLIT IS NOT BASHING A KAPAMILYA – i wonder why pero at least may magbabasa sa write up nya kase wala namang really exciting stories ang GMA Artists!!! and most of their shows ay tinutsugi na- so about selling GMA to TV 5 baka it will be done SOOOONNNN!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.