Sa Hermosa, Bataan ‘Walang gulo, sa Barangay Sumalo’

HERMOSA, BATAAN – Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng lupa at pagbayad ng Litton Family sa mga informal settlers sa loob ng Barangay Sumalo sa bayang ito ayon sa “Sumalo Settlement Plan of 2011”.

Pinabulaanan din ng Riverforest Development Corporation, ang kumpanya ng Litton Family na may-ari ng 213-hektaryang lupain sa Barangay Sumalo, ang mga tsismis na may sumisiklab na kaguluhan sa kanilang tahimik na lugar.

Ayon kay Ret. Col. Rene Rapisura, ang disimpormasyon ay gawa-gawa lang ng mga armadong bantay at katiwala ng mga bigtime land-grabbing syndicate sa Bataan, kabilang ang isang barangay official at isang kilalang pulitikong illegal logger,  na nais paguluhin ang barangay upang ikubli ang mga illegal landholdings ng sindikato sa Sumalo.

Patunay rin ang police blotter ng Hermosa Police Station na malapit papasok sa Barangay Sumalo na walang karahasan o anumang kaguluhan na nangyayari sa lugar. May kaukulang din Mayor’s Permit ang ginawang pagbabakod ng Riverforest.

Ayon kay Atty. Anita Chauhan, community relations officer ng Riverforest, ang pagbakod sa 213-hectaryang lupain ay alinsunod sa isang Writ na pinalabas ni Dinalupihan RTC Judge Jose Ener Fernando noong January 27, 2011 na kumakatig sa pagmamay-ari ng Litton family sa Sumalo Estate batay sa Supreme Court decision na naging pinal noong January 31, 2007.

Sa kasalukuyan, umabot na sa P2 milyon ang halaga ng naibabayad ng Litton-Riverforest sa mga voluntary settlements bukod pa sa inilaang 20-hektarya sa Sumalo para sa housing relocation ng mga nagkusang lumipat na residente.

Layon umano ng disimpormasyon ng mga sindikato ang makahimok ng suporta sa mga residente, pulitiko at local officials gamit ang kasinu-ngalingan na may ‘violent eviction at ejectment’ sa mga lupaing pag-aari ng Riverforest at Litton family.

(ROMAN MAGPOC)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.