HAYOK NA HAYOK SA LOVE SCENES NILA: Nathalie Hart, nagalingan kay Xian Lim

Nathalie Hart

NATAWA AKO sa reaksyon ni Nathalie Hart sa tanong sa kanya kung “na-excite” daw si Xian Lim sa super-super-hot love scene nila sa pelikulang Sin Island kung san hayok na hayok silang pareho nang gawin ang love scene nila.

Natawa si Nathalie: “Wala. Kasi sasampalin ko siya. Napaka-strong ng personality ko so pag may nangyari, susuntukin ko siya!”  birong pagbabanta ng sexy star kung sakali.

 Nude love scene raw yong eksena nila ni Xian na bigay-todo naman ang aktor.

“He’s great naman. Wala naman akong naging problema sa kanya. The thing is, this is my first project with him. I’m happy to be working with him.I’m really proud of him kasi first movie niya na ganito na may love scene and he delivered. Siguro na-stress siya sa akin’,” pagkukuwento pa ng sexy actress na tinaguriang ”Bomba Queen” dahil sa halos lahat ng pelikula niya ay wala siyang takot mag-bare o maghubad.

SIN ISLAND director Gino Santos, Coleen Garcia, Xian Lim and Nathalie Hart

During the presscon, sinabi ni Nathalie na pasado naman si Xian sa kanya sa love scene nila kung saan bihasa na ang aktres sa mga eksenang hubaran tulad sa mga previous movies niya na Siphayo at Tisay that was both shown in 2016.

“Pasado siya sa akin..” sabi ni Nathalie sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.