Sa harap ng madlang pipol: Character actress at kapatid ng newscaster, todo-laplapan sa isang event!

BLIND ITEM: Na-shock ang isa naming friend, dahil kitang-kita raw niya sa isang event ang pagpi-PDA ng isang character actress sa ka-date nitong guwapong kapatid ng isang newscaster.

Kesyo laplapan to death daw talaga. Walang hiya-hiya. Kulang na lang daw ay maghubaran ‘yung dalawa para mairaos na ang init ng mga naghihinang nilang katawan nu’ng gabing ‘yon.

“Sana man lang, hinintay na nilang matapos ‘yung event o kaya eh, hindi na nila tinapos kung gusto talaga nilang mag-sex. Eh, ‘di diretso na sila sa motel o hotel para ayos na ang buto-buto. Hindi ‘yung halos lahat ng tao, nakatingin sa ginagawa nilang lampungan, nakakalokah.

“Eh, sila naman, wa care sa paligid, basta ubusan sila ng laway, gano’n.”

Eh, baka gano’n nga talaga kung ipagbanduhan sa publiko na sila na o fukcing buddy sila. “Pero Papa O, ‘pag disente kang babae, hindi mo naman hahayaang mangyari ‘yon.”

Eh, lasing ba?

“‘Yun na nga. Kaso, dapat bang i-justify na kaya nangyari ‘yon eh, dahil lasing sila pareho?”

Hay, nako… anyway, ang initials ni Character Actress ay tatak ng isang propesyong nilalapitan ng mga tao kapag gusto nilang sumiglang muli.

Samantalang ang initials ng lalaki ay ex-husband ito ng isa ring TV personality at kung hindi pa kayo sure eh, igala n’yo ang tingin n’yo sa pader ng bahay n’yo. Tapos, ‘pag me nakita kayong gagamba, doon n’yo itanong kung kilala niya ang guy.

By Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Sa harap ng madlang pipol: Character actress at kapatid ng newscaster, todo-laplapan sa isang event!

Leave a Reply

Your email address will not be published.