SA HALIK NG DALAWANG MALE PARTNER: Kanino mas nasarapan si Martin del Rosario?

Akihiro Blanco, Kiko Matos and Martin del Rosario in Born Beautiful

MADAMI ang nagaabang sa pelikulang Born Beautiful na first bida role sa pelikula ni Martin del Rosario.

Pinaguusapan kasi ang kakaibang love scenes (sex scenes sa diretsahan salita) ni Martin kina Kiko Matos at Akihiro Blanco.

Mas brusko, wild at hot na hot ang ‘kangkangan’ nila ni Kiko na sa trailer pa lang na napapanood online, nakakaexcite sa mga bakla ang ganung karakter ni Kiko na machong-macho, brusko, lalaking-lalaki na super like ang mujerista character ni Martin.

Sa halikan, mas wild si Kiko kumpara kay Aki na gentle at romantic naman. Dalawang magkaibigang love at sex ang matutunghayan ng mga manonood. Ang mga eksena ni Martin at Aki naman very gentle. Yong may kilig na isang guwapo na admirer mo ay dadampi ang mga labi mo na mapupunta sa matinding halikan.

 Martin and Aki ay maganda tingnan on screen. Parehong guwaping na type na type ng mga bularet, silahista at mga bekis.

Super wild at hot na hot ang Martin and Kiko scenes na sa katunayan, madami ang nagkukumahog sa “uncut version” screening  ng pelikula sa darating na Friday sa Cine Adarna sa UP Diliman at 7:00pm.

Martin del Rosario

 Kapag sinabing uncut version, walang rating, hindi nakialam ang MTRCB na sigurado, exciting ang mga love scenes ni Martin sa dalawang leading men niya.

 Kanino kina Kiko at Aki nasarapan si Martin sa halik ng dalawa? Kanino o sino ang nag-enjoy sa kanila? Sabi nga, it’s just a kiss. Pwede idaan sa pag-toothbrush at mawawala na ang laway gayong “straight” sila and it’s just na role.

Sa pelikula, special guest sa pelikulang dinirek ni Perci Intalan si Paolo Ballesteos na all-out ang suporta kay Martin sa pelikula at maging sa promotion ng pelikula.    

Sa January 23 na naka-schedule ang commercial showing ng pelikula. Yun nga lang, kapag commercial showing, dumaan na ito sa MTRCB at malamang, ang inaabangan na mga hot and uncut scenes ay baka hindi na mapanood ng public.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.