Sa golden anniversary special ni Kuya Germs
Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!

SAYANG, HINDI ako nakadalo sa big event ni German Moreno nu’ng kamakalawa ng gabi na ginanap sa Resorts World. Ito ‘yung 50 years with the Master Showman na matagal niyang pinaghandaan at ng GMA-7 siyempre.

Nasa Bicol kasi ako nu’n kaya hindi ako nakarating. Kasama ko si Ricky Lo, kaya si Butch Francisco lang ang nag-represent ng Startalk para magbigay-pugay sa nag-iisang Master Showman.

Kuwento sa akin, maganda ang show at nakikita naman daw na talagang pinaghandaan nang husto ng GMA-7.

Wala roon ang ibang big stars na malaki ang bahagi sa buhay at career ni Kuya Germs, pero star-studded pa rin dahil present siyempre sina Sen. Bong Revilla, Lani Mercado, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Ogie at Regine Alcasid at marami pang mga Kapuso stars.

Sa ibang istasyon naman, dumating sina Dawn Zulueta, Karylle, Billy Crawford (siyempre) at si Sharon Cuneta.

Nandu’n din ang mga veteran star na malapit sa host ng Walang Tulugan gaya nina Susan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero at marami pa.

So, star-studded naman at napasaya nang husto si Kuya Germs. Kaya nga ilang beses daw itong umiyak.

Pero ang hinihintay doon siyempre, sina Nora Aunor, Lea Salonga, at iba pang big stars na ga-ling sa That’s Entertainment.

Si Nora talaga, dahil sinabi noon na darating ang Superstar, pero nasabi naman daw kay Kuya Germs na hindi niya kaya dahil may shooting daw siya out of town.

Pero masaya naman at maganda ang show, kaya puwede na, at isa ito sa aaba-

ngan sa special ng GMA-7 bukas.

Marami raw sidelights doon, gaya ng sweetness nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, sina Kris Bernal at Carl Guevarra, pati sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda na parang hindi naman yata nag-break.

Nagkasama sa backstage sina Marian at Karylle pati si Dingdong. Nagkita kaya sila roon at nagkabati?

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento namin tungkol diyan.

Maraming gustong pasalamatan si Kuya Germs kaya inaasahan na ‘yang speech niyang napakahaba, sa dami ng dapat niyang pasalamatan.

 

HINDI PA rin nawawala si Dra. Vicki Belo, kasama pa rin siya sa mga pinag-usapan nang magpa-presscon ang pelikulang The Bride and The Lover.

In fairness, todo naman talaga ang suporta ni Vicki sa showbiz career ni Hayden kaya natuwa naman ang huli.

Kaya lang hindi yata makakadalo si Dra. Belo sa premiere night nito sa Lunes dahil nasa Amerika raw ito para sa graduation ni Direk Quark Henares.

Pero natutuwa na raw si Hayden dahil sa mga suportang ibinigay ni Dra. Belo.

Diretsong sinabi ni Hayden doon sa presscon na si Vicki na raw ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Kaya ang haba-haba ng hair ni Vicki, ‘di ba?

Mas okay nga raw ngayon ang relasyon nila dahil minsan ay lumalabas daw sila kasama si Hayden at ang ex-husband nito na si Atom Henares. Kaya sobrang ganda niyang si Vicki na napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa buhay niya.

Parang gusto nang mag-concentrate ni Hayden sa showbiz, pero hindi naman daw niya napapabayaan ang trabaho niya sa Belo Medical Group at ang ilang negosyong nasimulan daw niya.

Husgahan na lang natin si Hayden sa The Bride and The Lover na magsu-showing na sa May 1.

Kasama pala ni Hayden dito sina Lovi Poe, Jennyyn Mercado at Paulo Avelino.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Sa golden anniversary special ni Kuya Germs
Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!

  1. While the next varieties of men may reserve an exclusive invest your heart and turn into best
    for a memory or two, they are not ideal candidates for a serious relationship.
    A world where Rumpelstiltskin is King, and Shrek’s friends (Donkey, & Puss In Boots) with his fantastic beloved wife Fiona haven’t met him.
    Ok, let’s change my life.

  2. 99 while at Direct 2 Drive, Batman Arkham Asylum download for PC will set you back $9.
    Of course, theres the complete issue of freebies
    at the same time, but thats a detailed second.
    Bottom line People with money will pay for theatre tickets and expensive directors editions, you aren’t going to get lots of middle class families huddling across the monitor squinting at a low resolution copy of the movie, but I just might.

  3. A purple dog, saving his 2 new owners, which happen
    to be a classic couple who live out in the middle of nowhere.
    Famous cartoons were delivered to life for the big screen.
    It is far less expensive for make than its original
    counterpart, minimizing in fat, too.

  4. Copyright Infringement Laws – Torrents themselves aren’t banned, because there’s probably some legitimate
    issues you can download with them. If not, then there should
    be an option to start out downloading again. This latest effort by Bit
    Torrent offer a strong competition to Apple’s Itunes and also
    other movie download sites, including ,Walmart and don‘t forget Direct – TV and cable at will
    services.

  5. wala man lang representative ang mga Gutcherez… di ba inalagaan din ni germs si guffa? tapos kasampaguita nya sina eddie at  anabelle

  6. siguradong PLASTIK lang ang pagbabati kuno nina dingdong, marian at karylle noh! Ikaw ba naman madali ka bang makakalimot sa pang-aahas ng babae sa bf mo? hahahaha!

    • Hindi inahas ni Marian si Ding Dong. They first worked sa Marimar, hindi sila nagkaroon ng relasyon. Nag break sina Karylle and Ding Dong, nagkasama ulet si Marina and ding dong sa Dyesebel, doon sila nagkaligawan. It’s simple, really, basta hindi pa kinakasal, anyone can change their mind about which partner they want to be with. You mean to tell me, if you’re in a relationship and you meet your ideal partner, that you will ignore your feelings just because you’re in a relationship? You will be miserable all your life if you let go of the love of your life. It’s defferent if you’re married…yun, hindi ka na talaga dapat makipag relasyon sa iba, kasi nagsumpaan na kayo sa Simbahan (or civil wedding, pwede rin)…pero kung BF/GF palang, we can still change our mind…ang dapat lang, makipaghiwalay muna before makipag relasyon sa iba. Don’t make an issue over something harmless. Gasgas na eh. Nagkabati na nga eh. Plastikan? Well, sa kanila na yun. Hindi mo alam yun, kung sincere sila or nagpaplastikan lang. Besides, may ka-relasyon na si Karylle, if bitter pa siya, it means mahal pa niya si Dingdong, and niloloko lang niya yun BF niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.