Sa ginhawa lang daw kasali
Lian Paz, ayaw damayan si Paolo Contis sa hirap?!

HAY, NAKU! Tapos na sana itong isyung hiwalayan nina Paolo Contis at Lian Paz, nabuhay na naman dahil nagsalita na naman itong si Lian.

Nakausap daw nito si Gladys Guevarra at ang dami raw naikuwento sa kanya, kaya galit na siya ngayon at sinabi niyang meron daw third party involved sa kanilang hiwalayan.

Kuwento pa ni Lian, isang taon na raw na karelasyon ni Paolo itong babaeng sinasabi niya na hindi taga-showbiz.

Hindi na lang daw niya babanggitin kung sino, kasi hindi naman daw taga-showbiz.

Matagal ko nang nakausap si Paolo pagkatapos nilang maghiwalay at isinusumpa niya sa akin na hindi babae ang dahilan.

May problema talaga sila sa pera at nadagdagan pa ng mga isyung utang ni Paolo at lalo pang lumala nang makipaghiwalay ito kay Lian.

Eh, matagal na palang hindi kinakausap ni Paolo si Lian, kaya siguro naloka-loka ito at nagalit na siya nang husto sa aktor.

Tingin daw niya, hindi na sila magkaayos at malabo na silang magkabalikan kaya sinabi na niya lahat ang mga gustong sabihin sa hiwalayan nilang dalawa.

Meron na raw third party involved at nakakasira pa raw lalo itong mga kaibigan ni Paolo na lalong humahatak daw sa kanya pababa.

Ayaw na sanang magsalita pa ni Paolo dahil iniiwasan niya talagang nagsisiraan sila sa publiko.

Ang sabi nga niya sa akin, may dalawa silang anak na kapag lumaki sila, makikita nilang nagsisiraan sila sa mga interview.

Sana nga raw para sa kanilang dalawa na lang itong problema nila at huwag nang palakihin pa.

Isa nga sa text sa akin ni Paolo, “Alam n’yo naman po, ‘Nay, na marami ako utang… Inaayos ko po ‘yan ngayon. Siyempre damay siya sa kapalpakan ko dati dahil asawa ko siya. Gusto niya sa ginhawa lang siya kasali.”

Marami pa kaming napag-usapan ni Paolo, pero ayaw na niyang ilabas pa ito.

Pero magsasalita rin siya para klaruhin ang panig niya at abangan n’yo na lang ‘yan sa Startalk.

 

NAGKAROON NG story conference ang bagong drama series ng GMA 7 na Pahiram ng Sandali na ginanap sa 17th floor ng GMA 7 nu’ng kamakalawa ng hapon.

Ito ‘yung ipinalit sa Haram na tandem nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla, kasama si Lorna Tolentino.

Iniba nila ang kuwento at naging drama na ito na parang triangle na ito ng tatlo.

Meron nang love angle kina Lorna at Dingdong na may conflict na sa kanila ni Kylie.

Ang ganda ng kuwento at gustung-gusto ni Lorna, kaya pumayag siya agad.

Kaya paghahandaan daw niya ito nang husto na kailangang magpapayat siya para kahit papa’no, bumagay naman siya kay Dingdong na magkakagusto sa kanya sa kuwentong ito.

Medyo kabado na nga siya, kaya matinding preparasyon ito sa kanya.

Matindi ang casting nitong Pahiram ng Sandali dahil bukod sa kanilang tatlo, kasali rin dito sina Christopher de Leon, Sandy Andolong, Alessandra de Rossi at Mark Gil. Bongga ang casting na ididirek ni Maryo J. delos Reyes kaya excited na rito ang GMA 7.

Sisimulan na nila ito agad dahil ihahabol nila ang airing nito bago matapos ang taon.

Abangan n’yo ‘yan!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Sa ginhawa lang daw kasali
Lian Paz, ayaw damayan si Paolo Contis sa hirap?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.