Sa gala night ng Miss World Philippines
Gwendoline Ruais, ginutom na, sinigaw-sigawan pa!

NAGREREKLAMO ANG madir ni Gwendoline Ruais na si Malou Ruais. Kesyo sinigaw-sigawan at ginutom ang kanyang anak sa Gala Night ng Miss World Philippines kamakailan kaya sila nag-walkout.

“Nag-rehearsal and everything, so antay sila nang antay. Nagugutom na sila. ‘Anong oras ba kami bababa?’ Ang sabi, cocktail-cocktail. Bumaba na sila pero wala namang instruction na puwede nang bumaba, walang tumatawag sa amin,” kuwento ni Mrs. Ruais na halatang imbiyerna.

Isa dapat sa judges si Gwen sa Gala Night kung saan rumampa ang 25 candidates kaya marami ang nagtaka nang tinawag ang kanyang pangalan pero wala pa siya. Inakala tuloy ng marami na wala pa siya sa venue gayong nasa hotel room lang pala siya since 3 o’clock.

“Pagkababang-pagkababa ni Gwen, itong si Marie (sinasabing staff ng TV5) ay sinigawan si Gwen. Sinabi na ano… basta di ko alam ‘yung exact words. ‘Bakit ngayon ka lang? You’re late!’ or whatever.”

Nakausap naman namin ang national director at franchisee ng Miss World Philippines na si Cory Quirino na tila hindi affected sa mga pinagsasabi ni Mrs. Ruais.

Unang-una, maraming pagkain noong gabing iyon.

“Ang daming pagkain. There’s always plenty of food. I cannot believe about being hungry. There’s always a lot of food,” paliwanag ni Ms. Cory.

Kung talaga raw nagugutom si Gwen, ang dali namang remedyuhan niyon dahil puwede naman siyang mag-utos sa kanyang production assistant na kumuha ng pagkain.

Hindi alam ni Ms. Cory ang isyung sinisigawan daw si Gwen ng TV5 staff, pero iyon daw ang isang bagay na hindi niya papayagang mangyari.

“Hindi ko papayagan ‘yan. ‘Di ako papayag diyan,” sabi ni Ms. Cory.

Inirereklamo rin ni Mrs. Ruais ang isang certain Sheena na staff ng TV5 dahil nagtaray raw ito sa kanyang anak. Nang mag-walkout kasi sina Gwen ay naglitanya raw itong si Sheena. Napigilan lang si Gwen na umalis dahil sinabi ni Ms. Cory na kaila-ngan niya ito sa Gala Night.

“Nu’ng tinawag na si Ms. Cory ay dumating si Ms. Sheena na ang yabang-yabang pa. Hindi na lang sabihin, ‘Okay, what’s happening here?’ Ano pa, ang yabang-yabang. As usual, impolite na naman. Sabi niya, ‘If she doesn’t want to do it I can omit her in the show,’”tsika ni Mrs. Ruais.

Nang mainterbyu namin si Ms. Cory ay poised na poised ito and seemingly unperturbed at the issues hurled by Mrs. Ruais.

“Ako, cool lang ako because I really don’t know what the issue is with Malou. I’m trying to make her very happy. Siyempre my heart goes to Gwen kasi she’s my first Miss World Philippines. Parang anak ko ‘yan, eh. Gusto ko namang alagaan siyang mabuti.”

On the possibility of Gwen not gracing the Miss World grand coronation night on Sunday, Ms. Cory quipped, “That’s her duty as Miss World. The real queen will come out if she shows up on pageant night. That is her duty.”

 

INISNAB NI Kris Aquino ang child support na ino-offer ni James Yap para kay Bimby.

Can afford naman itong si Kris na palakihin nang mag-isa si Bimby at mabuhay nang mariwasa. She’s the top-earner kasi sa ABS-CBN at milyones ang kanyang kinikita.

Sabi naman ni James, iipunin na lang niya ang datung para sa kinabukasan ni Bimby.

Hindi kaya siya na-offend sa pang-iisnab ni Kris sa kanyang child support?

 

TRUE BA na imbiyerna raw itong si Jason Francisco sa isang staff dati ng Dos na si Mama Bhel na ngayon ay nasa TV5 na?

Noong kasing executive producer pa itong si Mama Bhel ng Banana Split ay super taray raw ito. Nang may mamatay raw na isang kamag-anak si Jason ay nagpaalam itong hindi muna magte-taping pero naimbiyerna raw si Mama Bhel at tsinugi siya sa show.

True ba itetch, Mama Bhel na panay raw ang pagtataray ngayon sa Miss World gala night at ang akala mo raw ay kung sino?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

10 thoughts on “Sa gala night ng Miss World Philippines
Gwendoline Ruais, ginutom na, sinigaw-sigawan pa!

  1. I don’t think it’s an issue ang di pagtanggap ni Kris ng child support from James. Remember na sinabi ni James na hindi naging issue ang hatian ng property during their annulment process. The thing is walang problema si Kris sa pera at hindi siya mukhang pera. She did not claim any support from the father of her elder son either . James could very well save the money intended for his son and give that in due time.

  2. OO tama ung campo ni gwen sa miss world nag ttrabaho ung asawa ko sabi nya sakin ung sheena is co-producer na lagi nag tataray at feeling bida. nikita ng asawa ko na sinigawan si gwen. sabi nga ng asawa ko ay parang wlang pinag aralan yang si miss sheena pati sa harapan ng mga contestant ay pnapahiya ang mga staff kahit na ginagawa lng ang trabaho nila. Sino b tlaga itong si miss sheena dinaig pa ung mismong nag papatakbo ng miss world na si miss Cory na sobrang bait d nya kagaya na paran walang pinag aralan kng umasta!

  3. infairness, maganda c gwen sa personal. nakita namin sya sa greenhills lastym nung bumili kami ng gadget. sakto dun din sya sa shop n pinagbilihan namin pumunta. wala syang ka-ere-ere, down to earth. i like her. sana mas maging tagumpay ang career mo gwen, God bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published.