Sa Framework Agreement ng RP at MILF; MNLF, Nakasubaybay

SUSUBAYBAYAN AT tututukan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang napagtibay na framework agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang inihayag ni Cotabato City Vice-Mayor Muslimin Sema pinuno ng Council of the 15 ng MNLF na nagpatalsik kay MNLF Chairman Nur Misuari noong 2008.

Ayon kay Sema, bagama’t wini-welcome nila ang naturang development at hinihikayat nila sa kanilang mga kapatid na MILF na ipagpatuloy ang nabanggit na usapin, nanatiling nakasubaybay pa rin sila sa usaping pangkapayapaan.

Payo naman ng o-pisyal sa MILF na maging matatag dahil magiging masalimuot ang naturang usapin hanggang sa marating ang final peace agreement at tama lamang ang kanilang hakbang na makipag-usap sa pamahalaan.

Hindi na bago na magkaroon ng maraming boses o pananaw bun-

sod sa napagkasunduang framework agreement negatibo man o positibo dahil nangyari rin ito nang pumasok sa kasunduan ang MNLF sa gobyerno noong 1996, saad pa ng bise-alkalde.

Walang pagtutol ang Council of the 15 ng MNLF sa napagtibay na framework agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF, paglilinaw ni Sema.

Hindi pa rin sila nag-uusap ni dating ARMM Governor at MNLF founder Nur Misuari bunsod

sa framework agreement, giit pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.