SA ‘FAILED ROMANCE’ WITH JM DE GUZMAN: Barbie Imperial, punong-puno pa rin ng hugot!

Barbie Imperial

Barbie Imperial

MALALIM ang sakit na naiwanan ng pakikipag-relasyon ni Barbie Imperial kay JM de Guzman.

Iba ang karanasan na nilikha ng hiwalayan nilang dalawa.

Napanood ko recently ang interbyu ni Kuya Boy Abunda sa young actress sa nightly show nito na Tonight with Boy Abunda na for the first time ay inamin ng dalaga na masyado siya nasaktan sa pakikipagrelasyon sa aktor.

Same thing with Barbie’s ex-boyfriends like Ryle Tan, Paul Salas, at si JM nga na tila iisa ang kategorya ng tatlo na “nega” ang experience ng young actress sa kanila.

Pero kung titingnan at susuriin, napakadali ma-in love ng young actress.

After na maghiwalay sila ng matindi ni Paul na may “physical abuse” na kasama sa hiwalayan nila (na ayaw aminin ng dalaga) ay napakadali naman niya na-in love kay JM na agad-agad ay naging girlfriend siya ng aktor in less a few months of courting lalo pa’t ang aktor ay may pinagdadaanan din from a previous relationship.

Barbie Imperial and JM de Guzman

Ang karanasan ni Barbie na tulad niya ay may pinagdadaanan pa nang pumasok sa pakikipagrelasyon kay JM na tulad niya ay may hugot din from a previous romance, mahirap nga na both of them ay papasok sa isang relasyon na binuo ng dalawang parehong puno ng bubog at pasakit, ang ending ay mas masakit na lovelife na magtatapos din sa wala na kung mamalasin ka ay dagdag pasakit pa imbes na may magandang karanasan na maiiwan.

Sa ngayon, si Barbie ay focused sa kanyang showbiz career muna lalo pa’t palabas na ang kakaibang love story pang-pelikula ni Direk Easy Ferrer na “Finding You” na bida sina Jane Oineza at Jerome Ponce na showing na sa May 29.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

2 thoughts on “SA ‘FAILED ROMANCE’ WITH JM DE GUZMAN: Barbie Imperial, punong-puno pa rin ng hugot!

  1. ang loveteam na isang malaking PROMO..ineng, huwag puro lalaki ang iisipin mo. mag workshop ka, improve yourself kasi napakagaspang ng mga mannerisms mo, improve your diction dahil very irritating to listen to you.. in showbiz if wala kang talent hindi ka tatagal..you have the face and the body but if you can’t act, you’ll never make it big in showbiz..by the way, please tell your rabid fans to stop bashing other artists dahil it will boomerang on you and stop those tweets pertaining about boys.

  2. haay, isa pa itong assumerang starlet! alam mo barbie na hindi ka nililigawan at walang gusto si jm sa iyo dahil may iba siyang gusto.. buti na rin para mawala na ang warfreak na juanbies na puro dummy accounts..nakakastress ang fandom na ito…laging binabash si jm kapag hindi siya maglike sa mga posts ng starlet nila..talo pa si hitler sa pagka diktador.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.