Sa ex-PBB housemate na may milyong pisong utang sa kanya
RR Enriquez: ‘Di ako titigil hangga’t ‘di sila nakababayad!

BLIND ITEM: Nakakalokah, to think na menor de edad itong bagets na ito ay sobrang hilig daw sa babae. ‘Pag natutunugan niyang mukhang may gusto sa kanya ang kasamang artista ay kakaririn na niya ito para alam-n’yo-na.

Ano bang bagets ito? Pumasok sa bahay ni Kuya, este, pumasok sa showbiz para “kumangks” lang nang “kumangks”? Ba’t hindi siya mag-workshop para mapaghusay niya ang akting niya?

Ang latest at willing victim ng lolo n’yong menor de edad ay ang kasama niya sa isang teleserye. At ‘pag nangangati raw ito, namimik-ap ng babae, dadalhin sa condo unit niya at alam naman daw nito ang gagawin, dahil marami itong condom sa kanyang condo.

Hay, nako, anak… ‘pag hindi ka tumigil, maaawardan ka ng sakit. I repeat, sakit.

 

‘KALA NAMIN, na-settle na, hindi pa pala. Heto’t through Instagram at through text brigade ay naniningil ang sexy star na si RR Enriquez sa mga PBB housemates na mag-asawa rin na sina Donnie  at Jen Geisler. Si Donnie ay kuya ni Baron Geisler na lagi namang napapaaway dahil sa kalasingan.

Text ni RR, “Can you help me about du’n sa nangutang sa akin ng P2M para mapa-media itong mga ito.

“Gusto kong magpainterbyu para ‘yung ibang artistang gagaguhin pa nila is mawarningan na. Nangutang kasi sa akin ng P2M, tapos, tumalbog ‘yung ibang cheke nila. Sa P2M, me utang pa silang P840k, tapos, bukod pa du’n, nagtiwala ulit ako sa kanila. ‘Yung alahas ko naman at Rolex worth P1.3M lahat, pati bags, nagtiwala ako ipabenta ulit sa kanila, tapos ngayon, ‘yung taong pinagbentahan nila, talbog ulit ang mga check.

“Parang pasa-pasahan ang nangyayari, eh nagdudumikit sila sa ibang artista ngayon para may magatasan ulit. Gusto ko lang mawarningan sila para hindi maulit ‘yung ginawa sa akin.”

Ayon pa ke RR nu’ng makausap namin over the phone, “Hindi ako titigil hangga’t hindi sila nagbabayad!”

Kung totoo man ang claim ni RR,  aba, sana’y i-settle na ito agad nina Jen at Donnie. Dahil mahirap nang kalakhan ng anak nila ang balitang ‘yan.

‘Eto din naman kasing si RR, parang kami rin, ang daling magtiwala. ‘Kalokah.

 

FIRST MOVIE ever, pero ang lakas na agad ng dating ni Liza Soberano sa pelikulang Must Be… Love. Although aminado naman si Lisa na ang talagang pinakatinilian during the premiere night sa Megamall ay ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Okay lang po ‘yon, Tito Ogs. I know where I stand. It’s their movie naman po. I’m just starting. Suwerte na rin po ako dahil napasama ako sa movie. And I believe, Daniel is very, very popular right now talaga.”

Sa mga hindi nakakaalam, 15 years old na ngayon si Liza na may taas na 5’6”. Pure Pinoy ang dad niya at pure American naman ang mom niya. Three years pa lang sa ‘Pinas si Liza, pero fluent na rin siyang mag-Tagalog, “Kasi po, kailangan, eh. Gusto kong sumikat! Hahaha!”

Oo nga naman, dahil very limited lang talaga ang nagagampanang papel ‘pag hindi marunong Managalog.

Saka natutuwa rin si Liza, dahil ilang designers na ang gusto siyang bihisan tulad ni Edwin Tan na ang sabi, “Ang ganda ng alaga mo, Ogie! Sisikat ‘yan!”

At pati ang sikat at expensive na si Juan Sarte ay mineyk-apan din si Liza nang libre.

Sinabi namin kay Liza na ‘wag na ‘wag niyang kalilimutan ang mga taong tumulong sa kanya hanggang sa matupad ang panga-rap niya, dahil kahit maliit lang ang mundo ng showbiz, malaki ang puso ng showbiz para sa mga taong ma-runong tumanaw ng utang na loob.

“Opo naman, Tito, I will remember that always!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Sa ex-PBB housemate na may milyong pisong utang sa kanya
RR Enriquez: ‘Di ako titigil hangga’t ‘di sila nakababayad!

  1. Oo nga. Panay “daw” ang basehan ng BI ni Ogie. Wala siyang ipinagiba sa mga suka writers ng mga tabloids.

    • THAT’S THE EASIEST WAY NOT TO GET INTO LEGAL TROUBLE, TEH. PARANG BLIND ITEMS, HANGGAT WALA KANG PINAPANGALANAN, LUSOT KA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.