Sa eskuwelahan pa nagbebenta Estudyanteng tulak, huli sa damo

SWAK SA KULUNGAN ang isang 18-anyos na estudyante ma-tapos itong mahuli sa aktong nagbebenta ng Marijuana sa loob ng eskuwelahang kanyang pinapasukan kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong RA 9165 ang suspek na si Ramon Alberto Misa, 18, 3rd high school ng Macario B. Asistio Sr. High School Annex-1, Caloocan, at residente ng Blk. 38, Lot. 16, Alimasag Kapak Alley St., Kaunlaran Village, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang madakip ang suspek sa loob ng nasabing eskuwelahan na aktong nagbebenta ng Marijuana.

Dito, agad na isinumbong ang suspek sa kanilang principal na si Violeta Sioson na naging dahilan ng pagkakadakip kay Misa.

Ayon kay Brgy. 14 Kagawad Rommel del Prado, nakuha sa suspek ang anim na sachet ng Marijuana at ibinibenta lamang nito sa mga estudyante ng nasabing paaralan sa halagang P20 bawat sachet.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.