Sa ‘di pagsipot sa canonization ni Calungsod PNOY, binatikos ng obispo

BINATIKOS NG isang obispo ang hindi pagsipot ni Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa canonization ni San Pedro Calungsod sa Vatican City noong Linggo.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop-Emeritus Oscar Cruz na inaasahan na ang hindi pagsipot ng pangulo sa mahalagang okasyon dahil hindi naman ito nakikiisa sa gawain ng Simbahang Katolika.

Kapansin-pansin din ani-ya ang pagiging malayo ng Pangulong Aquino sa Diyos dahil sa pagsusulong ng mga panukalang batas na hindi nakabase sa turo at doktrina ng Simbahan.

Ilan aniya sa mga panukala na taliwas sa turo ng Simbahan na sinusuportahan ni P-Noy ay ang Reproductive Health (RH) Bill, Divorce Bill, at Sin Tax Bill.

Samantala, naniniwala si Cruz na hindi naiintindihan ng Pangulo ang mga doktrina ng Simbahang Katolika o kaya’y mahina ang pana-nampalataya nito.

Una nang sinabi ng Palasyo na hindi makakadalo ang pangulo sa canonization ni Calungsod dahil sa state visit nito sa Australia at New Zealand.

Maaalala na ipinadala ng Pangulong Aquino si Vice-President Jejomar Binay at Energy Sec. Jose Rene Almendras bilang kinatawan ng bansa.

Si Calungsod ang ikalawang Pilipinong santo, kasunod ni San Lorenzo Ruiz de Manila. (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sa ‘di pagsipot sa canonization ni Calungsod PNOY, binatikos ng obispo

Leave a Reply

Your email address will not be published.