Sa ‘Di Pagpirma sa SOCE; Kampo ni Gov. Vi, Dumipensa

IGINIIT NG kampo ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na wala itong nilabag sa hindi paglagda sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenses (SOCE).

Bagama’t pinatotohanan ng abogado nitong si Romulo Macalintal ang pahayag ng Commission on Elections(Comelec) na hindi pumirma si Gov. Vi sa dokumento, iginiit niyang nakasaad sa rules ng komisyon na maaari namang pumirma sa SOCE ang kinatawan ng nanalong kandidato sa eleksyon.

“The fact that she ‘did not personally sign her SOCE’ is not a violation because even the SOCE forms distributed by the COMELEC clearly show that an agent or treasurer of the candidate or the political party is authorized to sign the said SOCE on behalf of the candidate or political party.” Pahayag ng kampo ni gobernadora.

Sinabi ni Macalintal na ang party treasurer na si Francisco Lardizabal ang naghain at lumagda ng SOCE para kay Santos-Recto, at tinanggap naman ito ng Batangas Provincial Election Supervisor (PES).

Pero dahil sa hindi inaasahang pagpapababa ng Comelec, tumungo na aniya sila sa tanggapan nito para maghain ng SOCE na may pirma ng opisyal.

Inihayag pa rin ng kampo ng gobernadora, “Without admitting any fault or violation and to show her good faith, Governor Santos was one of very first to go to the Comelec through her lawyer last Friday (December 13) to file a duly signed SOCE just to prove that she is affirming all the contents of the SOCE filed by her agent on June 6, 2013.”

Sinabi pa ni Macalintal na tiniyak ni Gov. Vi sa Comelec, gayundin sa kanyang constituents na hindi siya kailanman lalabag sa batas, lalo na sa pagdedeklara ng mga nagastos o kontribusyong natanggap sa anumang pulitikal na hakbang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.