Sa ‘di pagbabayad ng contribution ng mga empleyado Higit 600 employers, kinasuhan ng SSS

MAHIGIT 600 employers sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon ang sinampahan ng kaso ng Social Security System (SSS) dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga emple-yado.

Bukod sa multa, nahaharap din sa pagkakakulong ang mga employer na hindi nagre-remit ng kinaltas sa mga manggagagawa.

Pero kahit walang reklamo, maaaring mag-lansag ng mga abusadong amo ang ahensiya.

Payo ng naturang ahensiya sa mga negosyante, bayaran nang tama ang contribution ng miyembro dahil makatutulong din naman ito sa kumpanya.

Maaaring tawagan ang SSS sa numerong (02) 920-6646-55 para magsumbong ng mga employer na hindi nagre-remit ng kinaltas na SSS contribution.

Puwede ring i-check ang status ng nahulog na o update sa inaplayang loan sa SSS sa pamamagitan ng pag-text ng: SSS<space>REG at i-send sa 2600. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Sa ‘di pagbabayad ng contribution ng mga empleyado Higit 600 employers, kinasuhan ng SSS

  1. Sir/madam, tanong ko lang kasi na aksidente ako noong December 14,2011 tapos nag file aku ng sickness tapos nabalik yung application ko kasi daw wala daw akung 3 month qualifying premiums yung number of months ko 94 months na tapos bakit ganyan pa ang hinahanap ng SSS ormoc until now hindi kopa nakuha yung sicness binifits ko, anu ba ang option noon na makuha ko yung sickness ko kasi na re-imburse na sa employer ko. sabi nong taga sss ormoc na yung employer ko ng 2010 to march 2011 ang hindi ni remit yung contribution na dinideduct sa amin at ngayon nag file kami ng affidivit of complaint noong march 2012 at ngayon daw ikakaso pa. ang sa akin naman po bakit hindi pa aku qualified sa sickness na 94 months na yung contribution ko? anu ba ang gagawin ko noon na 1 year lang daw ma expire na daw yung application ko sa sickness?

    Salamat po.

    Eber M. Nudalo

Leave a Reply

Your email address will not be published.